Chapter 44.2 - So I guess this is it

6.2K 65 32
                                    

Dedicated to Mond101 :)

Maraming salamat sa pag-fan! :)

-----------------------------------------------------------

Guys,

last update for now..

nagtatampo nga kasi ako :(

pero nag-update ako..

yun lang..

birthday ko sa May 21..

eto na gift nyo sakin ha.. hehe..   VOTE and COMMENT pls..

Be a fan na din if you like..

Thank you!

-------------------------------------------------------------------------

Chapter 44.2 – So I guess this is it

(Alex)

“Alex, let’s break up.”

Natulala ako.

Tama ba ang narinig ko?

Hindi. Baka mali.

“Ano ulit yun Apol?” Tinanong ko parin to confirm.

Hindi parin siya makatingin sakin.

“Alex, let’s break up.” Sinabi niya yun habang nakahawak parin sa mga kamay ko.

Hinila ko ang mga kamay ko at tumayo.

Nag-lakad ako palabas.

Hinila ni Apol ang braso ko.

Sumunod pala siya sakin palabas.

Nasa parking lot kami.

Pinipilit kong tanggalin ang kamay niya sa braso ko.

Ayaw niyang bitiwan.

Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko hanggang sa mapaharap ako sa kanya.

*Slap!*

Sinampal ko ng malakas si Apol.

Hawak niya parin ang kabilang braso ko.

Hindi parin siya makatingin sakin.

“Please get in the car Alex.” Sinabi niya ng mahinahon.

“No!” Sinigaw ko habang pinipilit parin alisin ang paghawak niya sa braso ko.

Hinawakan niya ang parehong braso ko ng mahigpit.

“Please Alex. Nagmamakaawa ako sayo. Let’s end this peacefully.” Nakita kong may luha sa mga mata ni Apol.

Let’s end this peacefully? End? Talagang iiwan na niya ako? Pero bakit? Anong nagawa ko?

Napaiyak nalang ako.

Nanghina ako.

Nararamdaman kong babagsak ako sa sahig.

Apol took advantage of that at inakay ako sa kotse.

Binuksan niya ang passenger side at inalalayan ako umupo.

Sumkay na rin siya sa kabilang side at nagsimula mag-drive.

Habang nagdadrive si Apol, tahimik lang kami pareho.

Walang nagsasalita.

Biglang tumunog ang cellphone niya.

Kinuha niya sa bulsa niya.

Hindi pa niya nabuksan ang message dahil nagda-drive siya.

I took advantage of that.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon