Chapter 40 - OMG!

6.5K 57 25
                                    

Dedicated to tintin_manzano.. :)

Thank you sa pag-fan, pagko-comment at pag-vote sa halos lahat ata ng chapters.. :)

super napasaya mo ko hehe :)

pati na rin pala sa pag-follow sa twitter.. :)

kahit di pa kita gaano kilala, basta friends na tayo! hehe..

guys,

VOTE and COMMENT! :)

para di ako matagalan mag-upload.. char!

pero totoo nyahahaha!

i promise paganda ng paganda yang story ;)

pag hindi lumampas ng sampu ang votes ko talaga hays... basta! hehe ;)

Be a fan na din if you like :)

follow me on twitter..

hanapin lang -> @meyotcute

Thank you! :)

pic ni James sa gilid.. :)

------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 40 - OMG!

(Alex)

“Ah eh, hindi ko naman kasi sineseryoso yan. Binoto ko si Todd at ikaw Cherry.”

Nasa bahay na kami ngayon.

Andito ako sa room ko.

May mga librong naka-bukas sa kama ko pero parang hindi ko naiintindihan ang mga binabasa ko.

Iba ang mga iniisip ko.

Hindi ako binoto ni Apol?

Parang nalungkot ako.

Oo, hindi ko naman talaga gustong sumali at manalo dun sa pageant na yun. Pero napaisip ako sa mga sinabi ni Cherry kanina.

Binoto ko si Apol. Boyfriend ko siya. Mahal ko siya. Pero alam ko din na deserving siya. Akala ko din talaga na siya ang mananalo.

Bakit hindi niya ako binoto?

Yung karamihan ng classmates binoto ako dahil feeling nila deserving ako pero bakit ang sarili kong boyfriend hindi? Wala ba siyang tiwala sa akin?

Maya maya kumatok si Apol sa door ko.

*knock knock*

“Bukas yan.” Kumuha ako ng libro at hinarap ko sakin.

Binuksan ni Apol ang pinto ko at umupo sa kama ko.

“Anong binabasa mo?” Tinignan ni Apol ang libro sa harap ko.

“Nakikita mo naman diba?” Nakatingin lang ako sa libro kahit blanko talaga ako.

“Bilib din ako talaga sa talent mo sweet wine. Kakaiba ka talaga.” Natatawang sabi ni Apol.

Tinignan ko lang siya at hindi ako ngumingiti.

Tuloy lang siya sa pag-tawa.

“May nakakatawa ba?” Tinanong ko siya.

“Depende sa sense of humor mo.” Sabi nito ng nakangiti.

“Hay nako Apol, maghanap ka ng ibang pagti-tripan. Nag-aaral ako.” Nakakaloko tong lalaking to o!

“Hindi ko kasi inexpect na kasama pala sa talents mo ang magbasa ng libro na nakabaligtad. Ang galing.” Kinuha niya ang libro at binaligtad ng tama sa harap ko.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon