Chapter 22 - I now know what you are haha

7.6K 67 31
                                    

Chapter 22 - I now know what you are haha

(Apol)

“Ok lang Lex.. Anything for you.”

Ano ba yung sinabi ko?

“Ok lang Lex.. Anything for you.”

Bat ko naman sinabi yun? Ilang araw palang kami nagkaka-kilala. Ano bang tama ng umiinom gabi-gabi at kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Inaya ko na si Alex umuwi ng mga 10pm. Buti hindi naman nagpa-pigil. Siguro iba ang tama sa kanya ng Redhorse kesa sa San Mig light. Malamang naman diba? Hehe.

The week ended na ok naman. Parang pare-pareho lang ang routine namin.

Ginigising ko siya sa morning. Papasok kami ng magkaiba ang sasakyan. Uuwi kami. Kakain sa bahay or sa labas tapos iinom konti bago matulog.

Eto Saturday na. Walang pasok.

Ano kayang magawa?

Tulog pa si Alex. Di ko na muna siya gigisingin tutal 8am pa lang naman. Wala naman pasok. Nakaluto na ko ng breakfast at nakakain na rin.

Ah. Makapag-shoot muna.

Pumunta ako sa likod para mag-basketball.

Mga after 1hr, hindi ko parin nararamdaman si Alex.

May nag-doorbell.

*Ding dong*

Pumunta naman ako sa pinto at binuksan ito.

“Good morning, I’m assuming na ikaw si Apol?” Tanong sakin ng isang mga parang mid-40’s na lalake na tonong Chinese mag-salita.

“Good morning din po. Opo ako si Apol. Kayo po si?” Tanong ko naman.

“Papa ako ni Alex.” Sagot nito.

“Ay Mr. Tan, pasok po kayo. Tulog pa po si Alex. Gigisingin ko po ba?” Sabi ko naman.

“No. I know my daughter very well. It’s Saturday. Magwawala yan pag ginising ng maaga.” Nakangiti nitong sinabi sa akin.

“Kain po muna kayo. Nag-luto po ako ng breakfast.” Inaya ko siya sa dining table.

SInervan ko siya ng breakfast. Kumain naman siya. Nakaupo lang ako sa harap niya.

“I came here to see my daughter and to talk to you na din. Hindi pa ako talaga dapat uuwi dahil madaming inaasikaso sa London. Pero hindi naman ako magtatagal. 3 days lang ako. Gusto ko lang maayos ang anak ko ditto.” Sinimulan niya. Nakinig lang ako.

“I’m sorry sa aberya sa pag-rent nyong dalawa ng apartment na to. Hindi naming na-anticipate na posibleng mangyari to.”

“I hope ok naman ang stay niyo dito. Iho, you look like a good kid. Sana kahit wala kayong connection, alagaan mo ang anak ko.” Seryosong seryoso siya sa pag-sasalita. Hindi muna ako sumagot. Mukhang madami pa siyang sasabihin.

“Nag-iisa lang kasi yan. May pagka-spoiled. Wala masyadong alam sa gawaing bahay. Medyo matigas ang ulo.” Napangiti naman ako. Gets na gets ko ang sinasabi ng papa niya.

“Iho, hindi ka ba nahihirapan? Kamusta ang pakikitungo niya sayo?” Tanong nito.

“Ok naman po Mr. Tan. Nung simula lang po kami medyo hindi nagkasundo. Ok na po kami ngayon. Actually blockmates po kami. Siguro no choice din kundi magkasundo talaga. Sige po Mr. Tan, wag po kayo mag-alala, ako na pong bahala sa kanya.” Sabi ko sa kanya.

“Tito nalang itawag mo sakin. Mabuti naman kung ok ang pakikitungo niya sayo. College na talaga ang anak ko. Akalain mong na-get over na pala niya ang ilang taon na pagiging Man-hater.” Sabi nito.

“P-po? M-man hater si Alex?” Nagulat talaga ako.

Kaya pala siya ganun. Tsk. Ngayon naintindihan ko na.

“Ah hindi mo pala alam? Well, siguro dala na din na buong buhay niya eh nasa All-girls’ school siya.” Simpleng sagot niya.

“PAPA!!!” Nagulat kami. Gising na si Alex. Tumakbo siya papunta sa papa niya.

“You’re here!!!! I’m so happy!!!” Sabi ni Alex na mangiyak-ngiyak. Natawa naman ako.

“Hi anak. I’ve missed you! Hindi nakasama ang mama mo eh. Andami pa kasi talagang ginagawa sa London. Kaso anak, 3days lang ako dito. Binisita ko lang talaga kayo.” Sabi ni tito habang yakap si Alex.

“Kayo?” Tanong ni Alex nung umalis siya sa pagkakayakap sa papa niya.

“Oo kayo ni Apol. Anak hinabilin na kita sa kanya.” Sagot ng papa niya.

“Hinabilin?? Ano ako bata?” Sabi ni Alex.

“Wag ka na mag-react, pumayag na ako.” Nakangisi kong sinabi kay Alex.

“Tse! Hindi ko naman kailangan ng baby-sitter no!” Sigaw nito. Moody talaga. Sus.

“Tito iwan ko po muna kayo, akyat lang po ako. Mukhang kailangan nyo ng time ni Alex lalo na’t 3days lang kayo dito.” Tumayo na ako.

“Iho salamat ha. Inaasahan kong aalagaan mo ang anak ko. Tatanawin kong utang na loob.” Nakangiting sinabi ng papa ni Alex.

“No problem po tito. Ok naman po si Alex. Buti nalang po at unti-unting nababawasan ang pagiging man-hater niya.” Sabi k okay tito pero nakatingin ako kay Alex.

“Whaaaat?! Papa!!!” Sumigaw si Alex.

Umakyat na ako na natatawa. Nag-computer muna ako. Maya-maya narinig kong may umandar na sasakyan. Narinig ko din na may tumatakbong paakyat.

*BLAG BLAG BLAG*

Nakangisi ako nung binuksan ko ang pinto.

Wow. Pulang pula si Alex sa galit.

“Kung ano man ang sinabi ng papa ko sayo, hindi totoo yun!!!” Sumigaw na naman si Miss Sungit

“Ok.” Nakangisi lang ako at bumalik sa computer.

Sumunod siya sa loob ng kwarto.

“Hindi ko alam kung jet lag ba yun o masama ang pakiramdam niya.” Tinuloy ni Alex ang pagdaldal.

“Ok.” Sabi ko ulit.

“Hindi totoo yun Apol, naririnig mo ba ako???” Lumapit siya sa tenga ko.

“Oo.” Sagot ko.

“Mag-react ka ng maayos Apol! Bago ko ibato yang monitor mo!” Sigaw ng sigaw naman to.

Nag-nod lang ako.

“Nakaka-frustrate kang kausap alam mo yun! Ilang sentences na ang sinasabi ko! Ilang words lang ang sinasagot mo! Ano ba!!!!” Walang tigil sa pag-sigaw? Sa tenga ko pa talaga?

“Apol ano ba!!!!!”

Humarap ako sa kanya.

At bigla ko siyang kiniss..

Sa lips.

Me, You and HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon