Kath's POV
Pagtingin ko sa harap ng terrace si ungas kaagad ang nakita koooooooooo! bwisit sya pala yung nagtextext saakin, at may gana pang mag-smile ng nakakaloko ah, tss. badtrip, dahil sa sobra akong napahiya sakanya, tumakbo ako papasok ng kwarto ko at sinarado ang pintuan. waaaaaaah! nakakainis, nakakabadtrip lang! kung alam nyo lang yung feeling ng napahiya, gwapo sana si ungas eh, pangit lang ugali. tss. itutulog ko na lang to, kaya POV muna ng iba. hehehe.
Kiray's POV
woo! kala ko hindi na ko mag kakaroon ng POV dito e. haha! btw guys, ako pala si Kiray Celis, 16 years old, 3rd year highschool nag aaral sa *toot* university, ka-batch ko sila kath, mag-kaiba kase kami ng mga section eh, ako at si mocha st.monica ang section, si kath,dj, and julia naman st.martha
(a/n: base po yang mga sections nila sa pinag-aaralan kong school, kaya wag po malito ok?)
si yen,tikoy, at diego naman st.paul, 4rth year na kase sila eh. so let me begin the story of my life since first POV ko naman to diba? haha! umpisahan natin sa family ko, wala sila dito sa pilipinas, nasa states sila at dun sila nakatira, pero may mga kuya ako dito na kasama, mag-isa lang akong babae sa pamilya kaya kung ituring nila ako, ay little princess, lahat ng gusto ko nakukuha, well, sabihin narin nating spoiled brat ako, hahaha! ganun talaga, pero mabait naman ako at friendly sa iba, kung ayaw mo sakin ayaw ko rin sayo, ganun lang yun.
sa lovelife ko naman, hmm.. ok lang, masaya naman ako kay mocha, haha! ang swerte ko nga eh, going strong parin kami, kahit maraming dumadating na problema, well, ganyan talaga pag-nagmamahalan gagawin ang lahat para ma-isave ang isang relationship.
sa friends naman, mababait naman sila at close na kami sa isat-isa, kilala nyo ba kung sino tinutukoy ko? sila kath, dj, juls, diegs.tikoy, at yen, masaya sila kasama, 1week palang ang tinagal ng pagiging mag-babarkada namin pero close na agad lahat kami, kaya mahal ko sila eh, lahat may ka-partners except si kath at si dj, bakit kase hindi na lang sila? tss. bagay kaya silang dalawa haha! para ngang aso at pusa eh, cute:} kahit na palagi silang nag-aaway. haha! ayoko ng mag-kwento, abangan nyo nalang ang susunod na mangyayari. haha! kakatamad. ibang POV naman.
Julia's POV
hello again!♥ pwede pasingit muna? si bes'bebs naman bida dito eh. hahaha! so, kilala nyo si diego diba? nanliligaw sya saakin, OO tama pagkaka-basa nyo, bilis no? cute nya kase iihh. haha! landi much. pero kase ang sweet nya eh, kaya mas lalo ko syang nagugustuhan.
1week na ang nakalipas simula nung nililigawan nya ko, pero hindi ko parin sinasagot hanggang ngayon, syempre pa-hard to get muna diba? pakipot effect muna, kelangan ko munang siguraduhin na mahal nya talaga ako bago ko sya sagutin no, swerte naman nya.
haha! de joke lang, the truth is mahal ko na sya, OO tama ulit ang pagkaka-basa nyo every time kase na kasama ko sya palagi nya kong napapa-ngiti kaya yun, mas lalo ko pa syang minamahal, kase ang sweet nya binibigyan nya ako ng boquet of roses and chocolates ARAW-ARAW yaman diba? isa pa, gentlemen rin sya, tuwing mag-sasabay kaming dalawa palagi nyang binibitbit mga gamit ko para lang hindi ako mahirapan, mabait rin sya, kaya his worth dying for! OA na ba masyado? inlove eh.
kase sa dinami-dami ng babae sa mundong ito, ako pa ang napili nyang ligawan, oh di ba? tsk. swerte ko talaga. naks, anyways, 1week narin simula nung naging close kaming lahat na magbabarkada, kaso nga si bes'bebs at dj kase, palaging nag-aaway, ewan ko ba sa dalawang yun, bagay naman sila eh bakit kase di palang mag-ligawan diba? para happy. haha! halata ko lang, para kaseng may gusto si dj sakanya eh, hindi nya lang masabi-sabi natotorpe ata pagdating kay kath there's one thing to findout. haha! aalamin ko ang totoo. quiet muna ah? keep it secret guys. hahahahahaha!.