Kath's POV
Nasigawan ko kanina si ungas, kase naman eh wagas mang-asar. naguiguilty tuloy ako. tss. pinuntahan ko sya kanina sa sala pero nauna na daw na umuwi, kaya bukas na lang ako magsosorry, tama bukas.
-- --
6:30 na, kaya nagising na ko, hindi man lang ako ginising ni kuya nakakainis kaya nag-ayos nako, wala akong kasabay ngayon kase si kuya palagi na nyang sinusundo si cassie si bes naman sinusundo ni diegs. kainis! forever alone! :( hindi ako sumakay sa van ngayon, trip ko mag-lakad eh at saka malapit lang naman. nagmomoment ako nang....
"hey! kath" lumingon ako at nakita si khalil.
"uy" sabi ko.
"tara sabay na lang tayo dyan lang naman ako sa *toot* university eh"
"ah ganun ba? sige. sino pala yang kasama mo?" may kasama kase syang bata eh.
"kapatid ko, si casey"
"ay. hi casey! ako pala si ate kath kaibigan ni kuya mo ^___^" sabi ko. ang cute nya eh.
"hello ate kath ^___^" sabi nya. ang cute nya talaga! gusto ko syang maging kapatid!
"aw.. your so cute! grabe nanggigigil ako sayo! promise!" sabi ko, sabay pisil sa dalawa nyang cheeks.
"thank you ate kath, ikaw nga ang ganda mo eh"
"eh. haha! thank youuu! how old are you na?" takte! yung ilong koooo!
"6 years old po"
"alam mo, gusto kong magkaroon ng kapatid katulad mo" sabi ko.
"bakit? wala ka po bang kapatid?" sabi nya.
"meron pero lalake eh, hilig mangasar" sabi ko, sabay tawa naming dalawa. iihh, nakakatuwa talaga tong bata na to.
"ahem, kuya here" khalil. ehhhhhhh? andyan pala sya? kalimutan ko.
"ahehe. peace, nakalimutan ko andyan ka pala" sabay tawa naming dalawa ni casey.
"ikaw talaga" sabay ipit ng ulo ko sa may bandang kili-kili nya. hahahahaha!
"eewiness! yaks! ang bahooooo! hahahaha!" pabiro kong sabi. natawa kaming tatlo
"huy, hindi ah. grabe"khalil.
"de joke lang, to naman. dito na school namin so pano ba yan? bye na! bye casey ingat!" sabi ko at pumasok na. nagdala pala ako ng extra na damit para sa volleyball tryout mamaya, magta-try kami ng barkada eh.
Daniel's POV
Maaga ako nagising ngayon, hindi kase ako nakatulog kagabi ng maayos eh. nag-ayos nako, paglabas ko ng gate nakita ko si kath, tatawagin ko na sana sya pero tinawag sya nung khalil na yun. aaish. nakakainis! nagseselos ako! OO nagseselos ako, ewan ko kung bakit, gusto ko lang naman si kath eh. sinusundan ko sila, tinitignan ko si kath, masaya pala sya pagkasama yung khalil na yun tss. kaya ba ayaw nya saakin? tinitignan ko lang silang dalawa na nagtatawanan tapos may kasama pa silang bata, nakakainggit, samantalang pag ako kasama ni kath palagi kaming nag-aaway at nagsisigawan, tapos nagpaalam na sila sa isa't-isa, kaya ayun pumasok na rin ako. may tryout kami ng volleyball mamaya sana naman makapasok kami. andito nako sa room namin, katabi ko pala si kath ngayon tsk. hindi ko na lang muna sya papansinin, dun na lang sya sa khalil nya.