Alam kong nagkamali ako.
Umpisa palang alam kong di mo naman ako magugustuhan. Umpisa palang alam kong may iba nang laman yang puso mo.
Pero anong magagawa ko? Ang tigas ng ulo ng puso ko, sinuway ako. Kaya ito tuloy, nagkagusto ako sayo.
At habang tumatagal ang mga kalokohan natin ay mas lalo akong nahuhulog sayo.
Alam kong di to seryoso. Alam kong joke lang to sayo, at wala ka lang choice. Pero para saakin, bawat kilos mo na ginagawa para saakin ay totoo. Lahat ng pinapakita ko sayo at sinasabi ko ay totoo, di na pagpapanggap, at di na rin biro.
Kaya lang alam ko naman eh, na itong kasiyahang meron ako ngayon ay mawawala. Kasi umpisa palang yang puso mo di naman talaga nakalaan sakin.
Kung may request siguro ako sayo, di naman yun magiging mahal, kasi ang tanging request ko lang naman ay ang saluhin mo ako.
"Please catch me Ethan Francis Castro?"
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Teen FictionAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...