Chapter 10 - The outing

141 5 0
                                    

[Angel's POV]


Excited na ako para sa outing ng buong kompanya bukas. First time ko to at syempre excited ako kasi andun sila Sai at Des.


Actually, gusto ko sila maging karoommate.


Ayan, ready na ako. As in!


Inayos ko na kasi ang mga gamit ko para bukas at wala na rin naman akong nakalimutan. Pwede na ako matulog ngayon at iintayin ko ng magbukas.


Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil nga may meeting time sa may kompanya. 6 am dapat andun na.


Nag-ayos na ako ng sarili ko atsaka ko kinuha ang mga gamit ko.


Kung magbabus ako baka mahirapan lang ako. Sige, magtaxi nalang ako.


Pumara na ako ng taxi at sinabi ko ang location ko.


Di rin naman ganun katagal at nakarating na rin ako sa kompanya at nakita kong marami na ngang tao. Wala rin naman akong kaclose rito kaya di rin ako makahalubilo sakanila. Pero may pamilyar na boses ang tumawag sakin.


"Angel!"


Lumingon ako at nakita ko si Sai at Des na nandun at naghahi sakin.


Lumapit kami sa isa't isa.


"Ayan magkakasama tayong tatlo! Ano? Roommates din ba tayo?" tanong naman ni Sai na mukang naeexcite.



"Oo naman. Gusto ko rin kayo karoommate." sabi ko naman



Nag-usap usap pa kami ng mga balak namin ng biglang magsalita yung isang empleyado na mataas din ang posisyon aa kompanya at mukang siya ang host for today.



"Okay! Sasakay na tayo sa bus! Sit anywhere you want. But Ms. Gamboa, you'll be riding with Mr. Castro."



Nagkatinginan naman kaming tatlo. Anong sasakay ako kay Ethan? Eh bakit? Empleyado naman ako eh.



Gusto ko pang umangal pero wag nalang.



Malungkot akong naglakad papunta sa kotse ni Ethan.



Nasa loob na siya ng kotse niya. Pagsakay ko ay tahimik lang siya at di man lang ako tinignan.



Hindi na ako kumibo pa.



"Seatbelt." halos lumuwa ang puso ko ng magsalita siya.



"Ahh o--okay."



Kinabit ko na ang seatbelt at dun lang siya umandar.



Napabuntong hininga nalang ako. Mas masaya siguro kung sila Sai at Des ang kasama ko kasi may kakwentuhan ako.

"Bakit mo ko sinama sayo?" tanong ko sakanya. Di ko na napigilan kasi sobrang tahimik.



"You're my secretary. Kailangan kasama kita everywhere I go."



"Pero gusto ko sumama sakanila."



"Then that's not my problem."



Di nalang ako sumagot pa at tumingin nalang sa labas. Empleyado mo nga ako pero outing naman to, di naman trabaho.



"By the way, how's your legs?" bigla akong napatingin sakanya ng itanong niya yan.



"I'm just asking kung ayaw mo sagutin, okay lang."



Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon