[Ethan's POV]
Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi ng buhay kagabi pero lasing na lasing ako nun. Sobrang sakit ng naramdaman ko ng marinig ko mula sa bibig ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko na niloloko at ginagamit lang nila ako.
Bumangon ako pero ang sakit ng ulo ko. As in.
"Ugh."
But I need to work kaya kahit may hangover ay pipilitin kong pumasok ngayon.
Bumangon na ako at uminom muna ng mainit na tubig bago naligo.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-ayos na ako ng sarili ko. Di na ako magbreakfast since wala rin namang magluto para sakin.
Mag-isa lang kasi akong nakatira sa bahay na binili ko. Minsan dumadalaw ako sa bahay nila mama pero minsan lang talaga.
Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse ko. Pagkasakay ko ay napansin ko na may bag sa passenger's seat.
Bag ni Angel to.
Sobrang galit ako kagabi kaya ayun at nasigawan ko siya at iniwan ko siya. Sobrang mali ng ginawa ko, alam ko. Babae siya at iniwan ko siyang mag-isa tapos madilim na rin nun.
Tinignan ko naman ang laman ng bag niya. Nandito pala ang wallet at cellphone niya.
Paano siya nakauwi? Nakauwi kaya siya? Chineck ko kung may message sa phone niya. Buti nalang at walang password.
Nakita kong may nagtext. Mga 10 pm kagabi.
'Nakauwi po ako. Kung sakaling mag-alala kayo. -Angel'
Napanatag naman ang loob ko ng malamang nakauwi siya. Magsosorry nalang ako sakanya ngayon pagdating at pag ibinalik ko na ang bag niya.
Pinaandar ko na ang kotse.
Maya maya lang ay dumating na rin ako sa company. Pero wala akong gana batiin ang mga empleyado ko. Ayoko lang makakita rin ng tao sa ngayon.
Pag-akyat ko sa opisina ko ay napansin kong walang tao sa desk kung saan dapat andun si Angel.
Hindi ba siya pumasok? Bakit? Di naman siya nagsabi sakin or what. Absence without leave siya. Or baka naman may binili lang?
I tried to wait for her sa may desk niya para makapagsorry pero wala siya. Walang Angel na dumating.
So hindi talaga siya pumasok ngayong araw? Yeah I know, maybe di siya pumasok dahil sa nangyari kagabi. And I know sobrang di tama ang ginawa ko.
[Angel's POV]
Ako lang mag-isa sa unit ko since may pasok si Trish. Di ako pumasok, sinadya ko yun talaga kasi di ko alam paano haharapin si Ethan. Bukas nalang ako papasok.
Hindi na rin ako nagsabi sakanya kasi baka pilitin pa akong pumasok.
Buong maghapon lang akong nandito sa bahay at nanonood ng movies sa laptop ko.
Di ko namalayan na 7 pm na pala. Masyado kasi akong natuwa sa pinanood kong korean movie.
Napatingin naman ako sa pinto ng unit ko ng may magdoorbell dito.
Ah si Trish na to. 7 na rin naman eh.
Di ko na tinignan kung si Trish nga ba yun kasi sure naman akong siya yun. Pumunta na ako sa may door atsaka pinagbuksan si Trish.
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Roman pour AdolescentsAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...