[Angel's POV]
Napag-usapan ng barkada na mag-outing ngayon. At paniguradong ako nanaman ang mag-isa ngayon dahil partner partner sila HAHAHAHAHA.
Pero okay lang, sa tagal ko silang nakasama nako sanay na ako na nakiki9th wheel sakanila.
"Angel, dapat kasi sinagot mo na si Ethan." sabi naman ni Laureen sakin
"Huh? Ano bang pinagsasabi niyong Ethan Ethan."
"Nagmamaang-maangan pa! Tsaka he looks serious naman sayo." sabi naman ni Leigh sakin
"Hay nako, bahala kayo diyan. Di porket may mga jowa kayo magjojowa na rin ako para mag fit in."
"Hindi naman yun ang sinasabi namin. We're just saying na why don't you give him a chance. Gusto mo siya, gusto ka niya pero sinasaraduhan mo siya ng pinto papunta sayo." sabi naman ni Fiona
"Hayaan niyo nalang muna yan si Angel, magigising din yan sa katotohanan." sabi naman ni Jace
Tapos na nila ilagay ang mga bag namin sa van na sasakyan namin kaya sumakay na rin kami.
Nasa harapan ako umupo dahil syempre ako naman ang walang kapartner.
Habang nasa byahe kami ay nakatanggap ako ng text kay Ethan.
'Goodmorning, Angel 😊'
Napaisip naman ako bigla dahil naalala ko ang sinabi ni Fiona.
Sinasarado ko ba talaga ang puso ko sakanya? Hindi naman diba? Tinetest ko lang naman kung hanggang saan niya kayang patunayan sakin.
Magrereply ba ako?
Napagpasyahan ko magreply. Pero habang nagtatype ako ay nagtext ulit siya sakin.
'Balita ko may outing kayo ngayon. Hindi mo ko sinama 😭'
Natawa ako dahil sa nabasa ko hahaha. Asa naman siyang isasama ko siya baliw talaga ang isang to.
Nagreply nalang ako ng simpleng 'Bakit naman kita isasama? Hahaha.'
Hindi ko na rin inintay kung nagtext back siya. Inaantok kasi ako kaya natulog na muna ako sa byahe.
The next thing I know ay malapit na kami sa resort na pagsestayan namin.
Nakita ko naman ang magandang tanawin na nadadaanan namin kaya kinuha ko kaagad ang aking camera at kinuhanan ito. Ang ganda kasing pang-IG.
After ng mga nadaanan naming magandang tanawin ay lumiko ang van na sinasakyan namin sa isang magandang resort.
Si Trish ang nag-ayos ng outing na ito at hindi ko alam kung san niya nalaman ang lugar na 'to.
"Ganda ah." sabi nila Keith pagkababa nila van
"Ako pa ba?" sabi naman ni Trish tsaka ng thumbs up samin
Binaba na namin ang mga bag namin at nagcheck in na sa resort. Ang kasama ko sa room ay si Trish syempre tapos yung tatlong babae magkakasama.
"San mo naman nalaman tong resort na ito?" tanong ko naman sakanya
"Diyan lang sa tabi tabi haha. Nagsearch ako." sabi naman niya tsaka ngumiti
"Infairness ah, magaling ka pala pumili ng magandang lugar. Mahal din yung bayad kaya talagang dapat lang din na gandahan nila." sagot ko naman sakanya
Humiga na ako sa kama atsaka tumingin sa kisame. Naalala ko naman bigla ang muka ni Ethan.
Oh no! Don't tell me na namimiss ko siya? Imposible!
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Teen FictionAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...