[Angel's POV]
Hi! I know almost everyone knows who I am. Para sa mga hindi naman, ako nga pala si Angel Carmina Gamboa, ang nawawalang kakambal ni Trisha Blaire Adams na ngayon ay nahanap na. Hahahaha.
Bago pa man din mapunta sa puder ng totoong pamilya ko ay marami rin akong pinagdaanan sa kamay ng nagpalaki sakin.
Akala ko nga hanggang dun nalang ang buhay ko, pero hindi pala. Kasi parang nagparaffle ang langit at ako ang naging grand winner.
Nakapagtapos ako ng kolehiyo at nagkaroon ako ng mga kaibigan. Si Trish, Fiona, Leigh at Laureen. Kung dati wala akong mapagsabihan ng tungkol sa crush ko, ngayon naman ay meron na. Hindi lang isa kundi apat pa.
Nagkaroon din ako ng kuya na lagi akong handang ipagtanggol. At syempre naranasan ko rin magkaroon ng manliligaw, kaya lang nagloko hahaha.
Kung tatanungin ako kung inasahan ko ba ito sa buhay ko, malamang ang isasagot ko ay hindi. Dahil hindi ko talaga siya inasahan, akala ko nga hanggang dun nalang ako. Akala ko rin di na ako makakapagtapos dahil parang gumagawa ng paraan tong mga taong kumupkop sakin na di ako makapagtapos. Pero ito ako ngayon at kakatanggap lang saakin sa isang sikat na magazine company sa Pilipinas.
Grabe talaga ang prizes na natanggap ko mula sa langit. Marami siguro akong ginawang kabutihan nung past life ko kaya maraming magandang nangyayari sakin ngayon.
Masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Kuntento na rin ako sa pinaulan ni Lord na blessings sa buhay ko. Sa ngayon, ayoko na rin muna humingi ng lovelife kay Lord. Ayoko muna maranasan ulit yung naranasan ko kay Paul.
"Angel, goodluck sa first day mo sa trabaho mo!" nakangiting sabi ni Trish sakin
"Salamat." sagot ko naman sakanya
Nandito kasi siya sa condo unit ko and dito rin ata siya magstay sa week na to.
"Mauuna na ako ah. Baka malate pa ako sa trabaho ko." sabi ko naman sakanya tsaka nagbeso sakanya at lumabas ng unit ko.
Tumakbo na ako papunta sa malapit na bus stop. Oo, wala pa akong sariling kotse pero marunong na ako magdrive, hiraman lang kami ni Trish. Pero ayoko magdala rin ng kotse sa trabaho, parang ang hassle kasi eh.
Puno na yung bus ng makasakay ako kaya nakatayo ako. Napapagitnaan ako ng dalawang lalaki. Pero okay lang naman sakin, parehas naman silang mukang maayos para sakin.
Nakapalda ako ngayon kasi nga yun ang office attire namin.
Naramdaman kong may humaplos sa right leg ko kaya napatingin ako dun sa lalaking nasa kanan ko. Muka siyang unggoy. Manyakis!
Sige, pag ito humawak sa hita ko ulit sisikuhin ko na to.
Pero di niya ako sa legs lang hinawakan, nagulat ako ng pisilin niya ang pwet ko.
Aba! Naghahanap ka ng away! Siraulo!
Nagulat ako ng bigla akong akbayan ng lalaking nasa kaliwa ko. Napatingin ako sakanya. Shems, ang pogi niya!
"Bakit mo hinihipuan girlfriend ko?" tanong niya dun sa lalaking nasa kanan ko
Hindi ako makareact. Siya lang ang nakikita ko sa ngayon, kumbaga siya yung nagsashine.
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Novela JuvenilAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...