[Angel's POV]
"Ano ba nangyari? Bakit di ka kinakausap ni Ethan?" tanong ni Trish sakin habang kumakain kami ng dinner
Hindi nalang ako sumagot.
Magkatabi kami ni Trish. Si Ethan ay tumabi kay Dex na nasa kabilang dulo ng table. So di kami magkalapit sa isa't isa.
"Nasayang naman pagpunta ni Ethan dito. Nung nalaman niyang nag-outing tayo tanong ng tanong kung san daw tayo pupunta. Gustong gusto ka ata makita haha " sabi naman ni Trish ulit
Hindi nalang ako nagsalita at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
Nang matapos ako kumain ay nagpaalam ako na lalabas lang ako sa garden ng restaurant para magpahangin.
Hindi na rin naman ako nakikisaya kasama sila. Kasi ang awkward naman if makikitawa pa ako tapos si Ethan nakatahimik lang.
Napagpasyahan ko na bumalik nalang ng room. Nagtext nalang ako kay Trish na mauuna na ako sa room namin.
Habang naglalakad papunta sa room namin ay bigla namang lumabas si Ethan sa room nila Dex.
Paanong andito siya? Eh nandun siya sa restaurant ah?
Nagkagulatan pa tuloy kami nung bigla siyang lumabas sa room.
Di ko alam if kakausapin ko tuloy siya or hindi nalang muna.
Medyo matagal kaming nagkatitigan dahil nagulat nga kami.
Hindi ko na kaya ang awkwardness kaya umiwas na ako ng tingin at naglakad papunta sa room namin.
Pero ang mas ikinagulat ko ay ng may yumakap sa likod ko.
Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinigpitan niya yung yakap niya sakin na parang ayaw ako pakawalan.
"Ethan?" tawag ko sa pangalan niya
"Angel, wag ka naman magsawang magkagusto sakin." bulong niya sakin
Parang nanigas ang buong katawan ko ng ibulong niya yun. Hindi ako makasagot.
"Promise, mas magiging sweet ako sayo. Basta wag ka naman magsawa sakin."
Humarap ako sakanya at siya naman ay nakayakap pa rin sa bewang ko.
Ngumiti ako sakanya at hinaplos ang muka niya.
Nakita ko ang lungkot sa mata niya habang hinahaplos ko ang muka niya.
Gustong gusto na bumigay ng puso ko sakanya. Konti nalang malapit na ako mapa-oo.
Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Yung yakap na feeling mo safe ka, feeling mo mahal na mahal ka.
"Mahal kita, Angel. Pakitandaan palagi." sabi niya atsaka bumitaw sa pagyakap sakin at hinalikan ang noo ko
Para akong nasa cloud nine. Walang pumapasok sa utak ko. Para akong matutunaw sa mga nangyayari.
"Magpahinga ka na, Angel. Magpapahangin lang ako." sabi niya naman tsaka ngumiti at iniwan ako sa pwesto ko.
****
"Aga aga nakangiti ka ng ganyan. Ano meron?" tanong ni Trish sakin
Kinikilig pa rin kasi ako sa nangyari kagabi kaya eto at para akong baliw na nakangiti sa kawalan.
"May nangyari ba kagabiii? Kwento na. Pagpunta mo sa garden nagpaalam si Ethan na aalis na siya at babalik sa room. Tapos ikaw naman biglang babalik sa room. So ano, nagkita ba kayo?"
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Teen FictionAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...