Chapter 18 -The party

143 6 1
                                    

[Angel's POV]

Hindi ako makatulog, iniisip ko yung tanong ni Ethan. Bakit niya kaya itanong yun? I mean, kailangan ba niya malaman anong tingin ko sakanya. May pakealam ba siya kung anong tingin ko sakanya?

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kela Trish kasi saktong nagkita kami at sumabay sila saamin kaya naudlot ang usapan namin ni Ethan at di ako nakasagot o maiinis dahil imbes na malaman ko ang dahilan kung bat kailangan niya malaman ang tingin ko sakanya ay naudlot pa.

Pagkadating nga sa unit ko ay puro pang-aasar ang bato sakin nila Trish, lalo na sila Fiona. Nakooo. Oo, dumalaw sila. Mukang nagkita sila nila Trish eh and alam din naman nila na may gusto ako sa boss ko.


Pero takte talaga, nacucurious talaga ako! Imposible naman kasi na gusto niya lang malaman, i mean meron sigurong totoong dahilan at di lang yun yung sinabi niya na gusto niya lang. Hays ewan, nag-aassume na ata ako. Pero kasi naman eh, di naman siguro yun itatanong talaga ng guy sayo diba?

Gumulong ako para humarap sa kabilang side at ganun ulit ang ginawa ko hanggang sa bumangon at umupo sa kama si Trish.

"Magpatulog ka naman, sis."

Napabuntong hininga naman ako, "Sorry."

"Ano ba kasi problema? Tell me." tanong ni Trish sakin

Bumangon na rin ako at umupo sa kama.

"Ang gulo kasi eh, you know naman si Sir Enzo diba? Nanliligaw yun sakin, then suddenly tinanong ako ni Ethan if anong tingin ko kay Sir Enzo, edi sinagot ko then he asked me kung anong tingin ko sakanya then sabi ko nga na mabait ganern, tapos nagagalit kasi nga bat yun lang daw, tapos ayun nacucurious ako bakit niya tinanong yun, nung dumating kasi kayo nag-uusap kami nun kaya ayun di ko na ulit siya natanong bat niya natanong yun, sabi niya lang kasi gusto niya lang malamn tingin ko sakanya. Ewan ko Trish, nag-aassume na ata ako." pagkekwento ko naman

"Hindi naman sa pinapaasa kita ah, pero sobrang imposible na gusto niya lang malaman anong tingin mo sakanya. For sure, may ibang rason bat niya tinanong yun."

"Waaaah, ang hirap, nag-aassume na ata ako. Di ko mapigilan."

"Nag-aassume ka kasi binibigyan ka niya ng dahilan na mag-assume. Nako, kung walang gusto yan sayo tigilan ka na niya, may pahatid hatid pa sayo kanina."

"Eh ewan ko nga eh, alam mo ba! Nako kanina dumating sa opisina si Sir Enzo habang nag-uusap akmi, g na g kaya ihatid ako nun, eh si Sir Enzo niyayaya rin ako na siya na maghahatid sakin, ang tigas talaga rin ng ulo ng Ethan na yun, parehas ko na nga sila nireject sinundan pa ako. Pero kinilig ako, syempre."

"See?! Nagseselos yun kay Sir Enzo!"

"Baliw, anong nagseselos?! Hindi ah!" kunwari nalang eh hindi, pero feel ko nung time na yun nagseselos nga siya at g na g ako ihatid eh.

"Kunwari ka pa, alam kong nasa isip mo yun! Hahaha! Pero hay nako, kapag talaga sa dulo di ka pala gusto niyan isa siyang malaking paasa!"

"Nako, matulog na nga tayo. Ang sakit niya sa ulo." sambit ko naman

Humiga na rin naman kami, nauna na rin ata makatulog si Trish pero di pa rin ako makatulog, naiisip ko kasi ang muka niya. Ewan ko!

Nagising nalang ako na mataas na ang sikat ng araw. Tinignan ko ang phone ko at nakitang 9 am na. Myghaaaad! Late na ako! 8 am ang pasok ko, omg!

Nagmadali na akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Lumabas pa ako ng unit ng hindi nakasuklay at nakamake up. Basang basa pa ang buhok ko habang tumatakbo ako palabas ng building.

Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon