Chapter 8 - Papasayahin ko siya

168 6 0
                                    

[Angel's POV]


Simula nung nakipagbreak si Maam Hailey kay Ethan, napansin kong nagbago na si Ethan. Hindi na siya yung Ethan na nakilala ko na masayahin at caring. Parang naging casual nalang din ang usapan namin. Hindi na tulad dati. Hindi na rin siya gaanong lumalabas sa opisina niya, unlike before.


Nalulungkot akong makitang siyang ganun pero I can't do anything about it. Kasi ayun ang nararamdaman niya eh. Ilang yrs din niyang pinaniwala ang sarili niyang mahal din siya ni Maam Hailey, na kasinungalingan lang naman pala.

"Can you check my schedule for today? Salamat." sa sobrang pag-iisip ko di ko namalayang nandito na pala siya sa harap ko.

"Ay sige po sir." sagot ko naman

"Sige, pakitawag nalang sakin when you've checked it already."

"Sige po." sagot ko naman

Napansin kong nangayayat siya simula rin nung araw na nagbreak sila. Napansin ko rin na di siya masyadong nagkakakain lately, di ko kasi siya nakikita sa cafeteria ng company or kahit sa malapit na kainan sa kompanya.

"Ay sir, umm, kain tayo ng lunch ngayon ah." sabi ko naman sakanya

"No, thank you. Busog ako." sagot naman niya sakin

"Ah sige." sagot ko naman sakanya

Nagsmile naman siya sakin. Di katulad ng mga smile niya dati, ngayon feeling ko punong puno ng galit at sakit yung smile na yun.

Pumasok na siya sa loob at chineck ko naman na ang pinapacheck niya. Pagkatapos kong macheck ay tinawag ko na sakanya para malaman niyang may meeting siya ng 5 pm.

Malapit na mag 12 ng mapatingin ako sa orasan. Inayos ko na ang gamit ko para makapaglunch na rin ako.

Napag-isipan kong intayin ko nalang din siya lumabas kasi baka gutom na rin naman siya pero wala talagang Ethan na lumabas mula sa opisina niya. Hays, bababa na nga ako.

Ah alam ko na! Mag-aakyat nalang ako ng pagkain sakanya para wala na siyang magawa kundi kumain.

Bumaba na ako sa may cafeteria at nag-order ng pagkain para saaming dalawa.

Paakyat na ako ng may tumawag sakin. Si Des at Sai.

"Di ka kakain dito?" tanong ni Des

"Hindi muna. Dadalhin ko pa to kay Sir Ethan eh." sagot ko naman

"Ah sige sige. Eatwell nalang." sagot naman ni Sai

Nagbabye nalang ako sakanilang dalawa bago tuluyang bumalik sa opisina namin ni Sir Ethan.

Inilapag ko muna sa desk ko ang pagkain na binili ko para sa sarili ko bago kumatok sa opisina ni Ethan.

Nakailang katok na ako pero walang sumasagot kaya napagdesisyunan ko nalang na pumasok na sa loob.

Pagpasok ko ay nakita ko si sir Ethan na nakasubsob sa desk niya at mukang tulog na tulog. Napupuyat ata siya kaya antok na antok. Hay nako.

Inilapag ko nalang sa desk niya ang binili kong pagkain para sakanya atsaka ko sinulatan ng note.

'Kumain ka po :) Masarap po ito. -Angel'

Hindi ko alam kung papansinin niya to pero atleast I've tried naman diba?

So ayun na nga, lumabas na ako ng opisina niya after kong idikit ang note sa lalagyan ng pagkain niya.

Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon