Chapter 11 - The outing (2)

159 7 0
                                    

[Angel's POV]

Natapos na rin ang team building namin para sa araw na to. Sobrang sakit nga ng buong katawan ko pero masaya naman kaya okay lang.

Buong umaga ko rin hindi napansin si Ethan. Nasaan na kaya yun?

"Teka lang ah. Mauna na kayo sa room. May hahanapin lang ako."

"Sino naman? Si sir ethan ba? Nako nako! Ikaw ah. Pero go lang girl! Bagay naman kayo." kinikilig na sabi ni Sai

"Baliw." natatawang sabi ko nalang atsaka tuluyang umalis sa harap nila.

Nasaan na ba kasi siya?

Sa paghahanap ko ay napadpad ako sa parang garden ng resort na to. Walang tao pero isang pamilyar na figure ng tao ang napansin kong nakaupo sa may bench at nakatakip ang mga kamay sa mata niya.

"Sir Ethan." pagtawag ko sakanya habang unti-unting lumalapit sakanya.

Tinanggal niya naman unti-unti ang kamay niya sa mga mata niya at nakita kong namumula ang mata niya. Umiiyak siya.

Sobrang nagulat ako sa nakita ko. Di ko inexpect na umiiyak siya. Parang nanlambot ang mga tuhod ko.

"Angel." pagtawag nya sakin

"Sir." this time umupo na ako sa may bench sa gilid niya.

"Ang sakit. Ang sakit sakit. Isang buwan na ang lumipas pero ang sakit pa rin. Parang binibiyak ang puso ko. Pinipilit kong bumalik sa dati, sa Ethan na nakilala mo pero di ko magawa. Masyadong masakit para saakin ang mga nangyari. Hindi ko na alam ang gagawin ko." umiiyak na sambit niya. Makikita mo talagang nasasaktan si Ethan.

Wala akong sinabi. Niyakap ko lang siya at hinayaang umiyak sa balikat ko.

"Hindi ko sinasabing nasasaktan ako pero nasasaktan ako. Nagsusungit ako kasi ayaw kong magmukang kawawa pero ang sakit. Di ko na kaya. Sobrang sakit na itago sa sarili ko yung sakit na nararamdaman ko."

"Sir Ethan, tumingin ka sakin."

Kumalas ako sa pagyakap sakanya atsaka hinawakan ang muka niya para tumingin siya saakin.

"Kaya mo yan. Nandito ako, tutulungan kitang makamove on. Okay? Iiyak mo lang ngayon pero bukas tapos na dapat. Kasi bukas panibagong buhay na."

Tumango tango siya atsaka yumakap ulit sakin.

"Ang sakit talaga." hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na rin ako. Ramdam na ramdam ko kasi yung sakit na nararamdaman ni Ethan. Halata sa mga hikbing pinapakawalan niya.

Sana alam ni Maam Hailey kung gaano siya kamahal ni Ethan. Sana nakikita niya ngayon kung gaano kamiserable si Ethan ngayon ng dahil sa kagagawan nila ng kaibigan ni Ethan.

****

Maaga kaming nagising kinabusakan dahil may panibagong activity ulit.

Habang nag-eexplain ng mechanics ng game si Sir Sandro ay biglang may nagsalita dahilan para mapatingin ang lahat sakanya.

"Kasali ako ah." halos lumuwa naman ang mata ko ng makita ko si Ethan na nandun at kakarating lang sa may beach area.

Sa dagat kasi ang game namin this time.

"Sure Mr. Castro. So anong group ang gusto mo salihan?" tanong sakanya ni Sir Sandro

"Hmmmm." sabi niya naman na parang nag-iisip kung kaninong group siya sasali.

Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon