[Angel's POV]
As time goes by, mas naging close kami ni Ethan. Pero syempre may limits pa rin since he's my boss pa rin naman.
And as his secretary hindi ganun karami ang friends ko sa company na ito. Wala akong kaclose since I am alone sa desk ko at wala namang department ang malapit sakin. It's just me and Ethan tapos may pagitan pa.
Minsan nabobored ako kasi ako lang mag-isa. Wala man lang akong makausap.
Pero nasasanay na rin naman ako kahit mahirap. Kaya lang di pa rin maiwasan na di ako mainggit sa ibang empleyado tuwing lunch time, kapag bumababa kasi ako to buy lunch nakikita kong by groups sila kumakain tapos tawanan.
Gusto ko pa man din ng ganun. Hays.
At ngayon malapit na ang uwian ko. Kaya excited na ako. Kasi makikita ko na ang kambal ko at after ilang hours may mapagkekwentuhan na ako.
5. 4. 3. 2. 1. Ting!
Uwian na!
Nililigpit ko na ang mga gamit ko ng biglang lumabas ng opisina niya si Ethan.
"Hey. I need you to come with me."
"Huh? Po? Saan po?" naguguluhang tanong ko
"Just come with me." sabi naman niya atsaka naunang maglakad sakin.
Minadali ko na naman ang pagkuha sa gamit ko atsaka sumunod sakanya sa elevator.
Naglakad siya papuntang parking kaya sumunod lang din ako.
"Sakay ka na." sabi niya ng buksan niya ang lock ng kotse niya.
Sumakay na rin naman ako kaagad.
"Okay. I need you to help me pick a wonderful dress tonight."
"Dress po? Para saan? Para sayo?" nagtatakang tanong ko
"No. It's for someone. But I need your help kasi di ko naman alam ang mga hilig ng babae." sabi niya naman atsaka inilagay ang atensyon sa pagdadrive ng kotse.
May pagbibigyan siya ng dress? Sino naman kaya? Ako? Kaya niya ba ako sinama?! Omg!
Ay! Magtigil ka nga Angel! Bat ka bibigyan? Eh secretary ka lang naman. Nako nako! Syempre para sa special someone niya yun.
"Sige. Tignan natin kung anong macontribute ko." sagot ko naman atsaka ngumiti sakanya
Wala na rin namang nagsalita buong byahe. Tahimik lang kami hanggang sa dumating kami sa isang shop na mukang mamahalin. Pinarada niya ang kotse at bumaba kami.
Pagpasok namin ay sobrang natuwa ako. Ang ganda ng mga damit sa loob ng shop. Bili rin kaya ako?
Tinignan ko ang presyo ng isang dress na nakuha ang atensyon ko. Ang ganda kasi eh, gusto ko bilhin.
Tinignan ko ang presyo ng dress at halos malula ako ng makita kong 4,500 pesos ang presyo nung damit. Grabe ang mahal. Hindi na nga lang ako bibili. Or pag-iipunan ko nalang.
"May napili ka na?" napatingin naman ako kay Ethan ng magsalita siya.
"Ah eh wala pa."
"Gusto mo yan?" tanong niya sakin atsaka itinuro ang damit na tinitignan ko kanina pa.
"Hindi hahaha. Tinignan ko lang." pagsisinungaling ko naman atsaka siya iniwan dun at tumingin ng ibang dress na baka sakaling magustuhan ng reregaluhan niya.
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Teen FictionAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...