Chapter 29 - Fixing the mess

137 2 1
                                    

[Angel's POV]

"Where is he?" tanong ko kay Erica pagkadating ko sakanila

"Nasa garden ate."

Sinamahan naman niya ako sa garden at dun ko nakita si Ethan na nakayuko habang may hawak na bote ng beer.

"Ethan." pagtawag ko sa pangalan niya ng makalapit ako sakanya.

Inangat niya ang ulo niya at ngumiti.

"Uy, Angel." pagtawag niya sakin

"Tara na sa kwarto mo."

"Ayaw ko." tumatawang sagot niya

"Ate, ikaw na bahala kay kuya ah." sabi ni Erica tsaka kami iniwan dun.

"Ethan, tara na." niyugyog ko naman siya.

Pero the next thing I know is umiiyak na siya habang tumatawa.

"I love you, Angel." hindi agad ako nakagalaw ng sabihin niya yan.

Sinubsob niya ang ulo niya sa lamesa habang patuloy na umiiyak.

Nabalik ako sa sarili ko at pinilit ko naman siya na itayo.

"Ethan, tara na please. Ang bigat mo eh."

Pero pag-angat ko sakanya ay tulog na pala siya.

No choice.

Nilagay ko na ang braso niya sa leeg ko. At kinaladkad ko siya papunta sa kwarto niya.

Napakabigat!

Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimbo para punasan ang muka niya at ng mahimasmasan siya.

Habang ginagawa ko yun ay hindi ko maiwasang mapatitig sa maamo niyang muka.

Ang muka ng pinakamamahal kong lalaki.

Hinaplos ko ang muka niya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Gising ka na ba?" gulat na tanong ko sakanya

Hinaplos niya ang muka ko at ngumiti.

"Mahal kita, so...sobra."

Napaiyak naman ako dahil sa sagot niya saakin.

"Mahal din kita, Ethan. Pero sa ngayon di ko pa alam kung dapat pa bang ituloy ang saatin. "

Kinumutan ko siya at bago ako tuluyang umalis ay hinalikan ko siya sa labi.

"Magpahinga muna tayo."

Tinignan ko muna siya ulit bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.

Pagkalabas ko ay napaupo ako habang pinipigilan ko ang paghikbi ko.

Mahal ko si Ethan, kaya lang parang dapat na muna namin itigil ang kung anong meron saamin.

Marahil ay naguguluhan din kasi siya sa mga nangyayari. Ayokong mapangunahan siya ng nararamdaman niya dahil sa sitwasyon na meron kami.

Ayoko rin na piliin niya ako dahil naaawa siya saakin.

Gusto ko piliin niya ako dahil mahal niya ako at hindi dahil naaawa or nakokonsensya siyang masaktan niya ako.

Naalala ko nanaman ang nangyari sa party. The way he looked at her, I can see pain and sadness at nakita ko rin kung paanong ang lahat ng pagmamahal na akala niya ay wala na bumalik.

Oo, alam ko naman na minahal ako ni Ethan pero di ko pa rin mapapantayan yung pagmamahal na meron siya kay Hailey. He loved her so much na kaya niya ipagpalit lahat just to be with her.

Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon