[Angel's POV]
"Angel, kain ka na." pagtawag ni Trish sakin.
Sunday ngayon at wala akong pasok.
"Mauna ka na, masama ang pakiramdam ko."
Sinalat naman niya ang noo ko.
"Nako, may lagnat ka."
"Ah ganun ba? Kaya pala mabigat pakiramdam ko."
"Kumain ka na ng makainom ka ng gamot."
"Mamaya na, Trish."
"Hindi na ako tutuloy sa lakad namin ni Clyde."
"Tumuloy ka na, kaya ko sarili ko."
"Sure ka?"
"Oo."
"Uuwi nalang ako maaga, okay?"
"Oo sige."
"Aalis na ako ah."
"Sige."
Nagtalukbong naman ako agad ng kumot pagkaalis niya.
Alam ni Trish na nagkaroon ng problema kagabi dahil pag-uwi ko ay nadatnan ko pa siya. Paalis palang ata sila ni Clyde pero di natuloy dahil sakin.
Kaya ayaw ko naman na hindi ulit sila tumuloy ngayon.
Ayaw ko muna isipin ang nangyari kagabi, sumasakit ang puso at isip ko.
Nagtext at chat sila Des at Sai sakin pero ang reply ko lang ay 'okay lang ako'. Ayoko kasi magkwento muna.
Nilagnat siguro ako dahil sa stress kagabi sa mga nangyari.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako ulit.
Lumabas ako ng room ko na mabigat ang pakiramdam.
Nakita ko naman ang hinandang breakfast ni Trish para saakin.
Pero wala akong gana kumain.
Babalik nalang sana ako sa room ko ng biglang may magdoorbell.
Si Trish kaya yun? Nakalimutan nanaman siguro yung susi niya.
Pero sobrang aga ng balik niya.
Hindi ko na tinignan pa kung sino ang nagdoorbell.
Binuksan ko nalang agad ang pinto.
Yung mata ko ay hindi pa masyadong nakabukas at sobrang tamad na tamad yung katawan ko ngayon. Namumutla pa ako.
Pero pagbukas ko ng pinto ay bigla akong napadilat.
It's Ethan.
"Angel, can you please atleast listen? Talk to me."
"Ethan, wag muna. Please, sa susunod na. Hindi pa ba sapat yung nangyari kagabi? Umuwi ka na muna."
"But Angel---"
"Shhh. Umuwi ka na please?"
Pero imbes na umalis ay hinila niya ako para yakapin. I did my best naman para makawala sa yakap niya.
"Ethan, please umuwi ka na muna!" sigaw ko ng makawala sa yakap niya.
And there it goes again, my tears!
"Masakit, nasaktan ako. Okay na?"
"Sorry, Angel."
Sorry dahil mahal mo pa rin siya?
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Fiksi RemajaAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...