[Angel's POV]
The day has come!
Saturday na, and after ng party mamaya I will tell Ethan na sinasagot ko na siya.
"Wow, ang gorg mo naman kambal." pagpuri naman ni Trish sakin.
"Thank you sa help, kambal."
"Oh siya, nandiyan na sundo mo sa sala. Mag-enjoy ka, sensya ka na at di ako makasama ah. May date kasi kami ni Clyde."
"Okay lang, Trish."
Lumabas na rin naman ako ng kwarto kasama si Trish at nandun naman si Ethan at nag-aantay. Nakacoat and tie siya.
Magsisinungaling ako if sasabihin kong hindi siya gwapo, diba? He looks good and hot sa suot niya. Kaya marami talaga nagkakagusto sa lalaking ito eh.
"Let's go?" tanong niya naman
"Sure." nagcling naman ako sa braso niya.
"Una na kami, Trish." pagpapaalam niya sa kakambal ko.
Inalalayan niya naman ako sumakay sa kotse niya. This time may driver siya at sa may likod kami umupo.
Nagpadrive ata siya dahil alam niyang magsusuot ako ng mahaba na gown.
Hindi naman sobrang magarbo yung gown pero kasi nakaballoon type siya.
Sabi kasi formal attire raw. So eto suot ko.
"You look beautiful, Angel." pagpuri niya saakin.
Naramdaman ko naman ang pag-init ng cheeks ko.
Hindi nalang ako sumagot, nagchuckle nalang ako.
Pagdating namin sa pinakahotel ay nakita ko kaagad si Des at Sai. Si Ethan naman ay nagpaalam lang na makikipag-usap sa ibang mga business partners.
"Oh my gosh! Angel!" sigaw ni Des at tumakbo sila papunta sakin ni Sai.
"Namiss ka namin! Sabi mo kasi magkikita tayo pero di ka na nakipagkita samiiiin." sabi naman ni Sai
"Sorry na, nabusy lang. Namiss ko rin kayoooo."
"Hindi mo tuloy alam na engaged na ako." sabi naman ni Des at pinakita ang kanyang ring finger.
"Hala! Bakit di ka man lang nagchat sakin?" tanong ko sakanya
"Eh kasi naman nagtatampo kaya kami sayo." sagot naman niya
"Sorry na, hmmm?" sambit ko naman sakanila.
"Oo na, buti nalang malakas ka samin." sagot naman ni Sai.
Niyakap ko naman sila.
"Pero uy, ikaw ang date ni Sir Ethan?" tanong ni Sai sakin.
Tumango naman ako sakanya.
"Iba ka na gurl, kayo na ba? Maraming kumakalat na balita sa kompanya eh. Kayo na raw."
"Hindi ah. Tsaka grabe, wala na nga ako dun, pero nakakarating pa rin mga yan sainyo."
"May pakpak ang balita, may tenga ang lupa teh!" sabi naman ni Des
"Mali naman mga pinagsasabi nila. Hindi pa kami ni Ethan."
"Pa? So, nasa ligawan stage palang and balak mo na sagutin?"
"After the party." bulong ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Ficção AdolescenteAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...