[Angel's POV]
Ngayon nga pala yung araw na lalabas kami ni Sir Enzo, medyo uneasy nga ako eh. Ayoko kasi talaga sanang makipagkita sakanya di naman dahil ayaw ko sakanya pero kasi ang awkward, yung kapatid ko gusto niya eh.
Ilang hours nalang at out ko na rin pero kinakabahan ako at parang ayaw ko pang mag-out.
10 mins nalang. Whooh! Bat ang bilis ng oras?!
Napatayo naman ako ng lumabas ng kwarto niya si Ethan.
"May pupuntahan tayo, tara na."
"Po? Saan po?"
"Sumama ka sa meeting ko, I need my secretary." di niya man lang ako tinignan at diretso lang maglakad.
Kinuha ko na ang mga gamit ko tumakbo papunta sakanya. Pagkababa namin ay nakita kong nag-iintay sa may lounge ng ground floor si Sir Enzo.
Tumayo siya at lumapit samin ni Ethan.
"Hey bro!"
"Uy kuya."
"San ka papunta?" tanong ni Sir Enzo
"May meeting ako with my business partners."
"Ah ganun ba? Sige ingat. By the way, gusto ko lang sana hiramin si Angel."
"Hiramin right now? I can't allow that, kailangan ko siya sa meeting."
"Ganun ba?" tumingin naman sakin si Sir Enzo. "Sige, maybe we can go out next time or sa day off mo ulit, Angel. Ingat kayo."
"Sige po, sir."
Nagwave na siya sakin at si Ethan naman ay nag-umpisa ng maglakad kaya sumunod na rin ako sakanya.
Pagdating namin sa kotse ay tahimik lang si Ethan.
"Ma--may problema ba?" tanong ko sakanya
"Wala."
"Eh bakit ganyan ka?"
"Lagi naman akong ganito, nag-ooverthink ka lang."
Hindi na ako umimik. Alam kong di ako nag-ooverthink, alam kong may problema.
Dumating kami sa isang magandang restaurant. Syempre meeting with business partners eh.
Pagdating namin ay umupo kami sa table na pangdalawa lang. I thought may kameeting siyang business partners?
"Bakit table for two lang?" tanong ko
"Lilipat tayo sa mas malaking table kapag andito na sila."
Tumango nalang ako. Tahimik lang din kami, di rin kasi siya nagsasalita and ayoko naman na mas inisin siya.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko atsaka naglaro ng 2fuse.
Maya maya ay halos lumundag ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko ng magsalita siya.
"Di na raw tuloy ang meeting."
"Huh? Bakit?"
"Di raw sila makakarating."
"Ah ganun ba?"
Ah sayang naman pinunta namin dito.
"Let's order food nalang."
"Huh?"
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
JugendliteraturAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...