[Angel's POV]
Magkahawak ang kamay namin ni Ethan habang naglalakad kami sa Mall.
We've been dating for like 3 years already.
Grabe tumagal kami ng 3 years. And he never fails to make me smile, everyday.
Parang nanliligaw pa rin siya kahit na 3 years na kami.
Kaya lang lately he's been busy sa work na minsan di na niya ako nasusundo or minsan nakakalimutan na niya magtext saakin kahit sa umaga. Kahit simple message lang na goodmorning, minsan wala na.
Ngayon nalang ulit kami nagkaroon ng time for ourselves.
Ewan ko last last week pa siya ganito, yung biglang may tatawag tapos aalis sa harapan ko. Parang may tinatago na ewan.
Minsan di ko tuloy maiwasan na hindi magduda sakanya. Pano ba naman madalas na rin mag-overtime sa trabaho.
For the past two weeks wala na kaming naging matinong usapan or kahit pag magkasama kami babad siya sa cellphone, kapag tinatanong ko tinatago niya at sinasabing may problema lang sa opisina.
I have a feeling na hindi lang ito about sa opisina. Feeling ko may tinatago na talaga siya saakin.
Yun nga lang, hindi ko alam kung ano iyon.
I was about to tell him na gusto ko kumain sa isang pizza parlor ng biglang magring ang phone niya kaya binitawan niya ang kamay ko and he answered it right away.
Minsan na nga lang kami magkasama, ito pa ang bubungad saakin, phone calls and a busy man.
After niya makipag-usap bumalik siya sa tabi ko and hinawakan ulit ang kamay ko.
"Sino yun?"
"Um... sa opisina lang."
"Tungkol saan daw?"
"Sa...sa basta may nangyari eh."
Tignan niyo, he can't even tell me what the problem is. Ganito siya for the past two weeks, so sinong hindi magtataka diba?!
I'm trying to calm myself kasi I'm sure magbuburst out na ako anytime.
Kahit tuloy magkasama kami this day parang feeling ko hindi pa rin. Nakakainis.
Natapos ang buong araw namin na naiirita ako sakanya dahil sa mga phone calls na sinasagot naman niya.
Hay nako talaga!
"Bye, Love. I love you." sambit niya ng maihatid na niya ako sa bahay namin.
"Bye. I love you too."
Pagkatapos nun ay umalis na siya.
Hindi ko alam talaga if tama ba ang instinct ko. Pero feeling ko may tinatago siya saakin, and I hope hindi tama ang iniisip ko. Sana wala talaga siyang babae.
Pero naiisip ko palang na baka meron na siyang ibang babae, nasasaktan na ako. I've been loving him for the past 3 years at siya lang. Never ko naisip na magkaroon ng ibang lalaki sa buhay.
Sakanya ko nga lang balak ikasal pero kahit sobrang dami ko ng hints na binibigay sakanya parang di pa rin naman niya magets. Kasi hanggang ngayon hindi pa rin siya nag-aalok ng kasal saakin.
****
'Sorry, I can't eat dinner with you today. Sobrang busy sa office. I'm still here, overtime.'
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Teen FictionAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...