Chapter 25 - Pahinga lang, walang atrasan

115 2 0
                                    

[Angel's POV]

I woke up na namumugto ang mga mata ko.

I cried my heart out kagabi. I feel guilty kasi. Oo, tama siya. Alam kong nagseselos siya kay Zig pero bakit hindi ako umiiwas dun sa tao.

Kaya lang pano ko ba naman kasi iiwasan if parehas lang kami ng lugar na ginagalawan.

Hindi ko rin naman pwede sabihin kay Zig na 'okay, off limits na ako'. Isa pa, hindi pa naman kami ni Ethan, so anong sasabihin ko? 'Sorry, Zig. May future boyfriend na kasi ako'?

Pero alam kong kagabi, nahurt ko talaga si Ethan. Wala naman akong balak saktan siya. Si Zig, kaibigan ko lang yun. Kaya di dapat siya magselos.

Dinamdam ko rin mga sinabi niya kagabi kaya naiyak nalang talaga ako ng sobra. Naiinis kasi ako sa sarili ko, kasi nasaktan siya because of me.

Ayaw ko sana pumasok ngayon, pero nakakahiya naman diba. Ayokong may masabing di maganda sakin ang iba.

Kaya kahit tinatamad ako ay nag-ayos na ako para makapasok sa trabaho.

To be honest habang nagtatrabaho ako, naiisip ko pa rin yung nangyari kagabi and napapatulala pa rin ako.

"Lunch na." napasigaw naman ako ng biglang may bumulong sakin. Sa tenga ko pa mismo.

"Bakit ka nanggugulat?!" pinalo ko naman siya sa braso niya.

"Sakit ah!" sabi niya at hinimas himas pa yun.

"Eh nanggugulat ka."

"For your info, Miss! Kanina ka pa lutang. Kasalanan ko bang lutang ka?" natatawang tanong niya sakin.

"Oo, kasalanan mo!" isa ka sa dahilan pero di mo naman kasalanan. Hahaha.

"At bakit? Anong nagawa ko?" tanong naman niya saakin.

"Wala. Tumahimik ka nalang muna please." sambit ko naman

Napachuckle naman siya dahil sa sinabi ko.

I checked my phone pero wala pa ring text from Ethan. Yes, he's texting me everyday pero ngayon, wala.

Baliw ba ako? Syempre galit yun, or maybe nagsawa na talaga na patunayan sakin na gusto niya ako. Pwede ring narealize niyang nagsasayang lang siya ng oras na patunayan yung pagmamahal niya saakin. Hahaha!

Alangan naman magtext saakin ngayon na parang walang nangyari kagabi hahaha. Siguro tumigil na talaga siya, nagising sa katotohanang, di naman talaga ako ang mahal niya.

Nasaktan naman ako ng maisip ko ang thought na yun.

Pinapahirapan ko tapos ngayong sumusuko ayaw ko naman. Hay nako! Ito na yun oh! Sign na ito na di naman talaga siya seryoso saakin.

"Baka gusto mo umorder?" nagising ako sa katotohanan ng magsalita ang katabi ko.

"Tsk, epal."

"Umorder ka na kasi."

Sinabi ko naman na ang order ko at binigay na rin niya yun saakin.

Habang kumakain ay tahimik lang ulit ako at iniisip kung nagsawa na nga ba talaga siya.


"Ano bang problema?" tanong ni Zig sakin.

"Wala wala." plain na sagot ko.

"Wala wala? Eh dinurog mo lang yang pagkain mo. Ni hindi mo nga ginagalaw."

Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon