Chapter 13 - Another kilig moment

195 6 1
                                    

[Angel's POV]



"Papasok na ako ah." pagpapaalam ko naman kay Trish



"Sure sige, alam ko naman na excited kang makita si Baby Ethan mo hahahaha!" pang-aasar niya pa sakin.



Naikwento ko rin kasi sakanya yung nangyari nung lunch samin ni Ethan. Kaya ayun at nang-asar na ng nang-asar tong si Trish sakin.




"Che. Sige na, mauuna na ako." pagpapaalam ko ulit atsaka nagtungo sa may pinto.



Pagkalabas ko ng condo ay nakita kong naghihintay ang isang pamilyar na lalaki na nakasandal pa sa kotse niya. Ang gwapo, yun lang ang masasabi ko.



"E--ethan. Anong ginagawa mo rito?" kinakabahan ako ng sabihin yan. Di ko alam, pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko.




"I was waiting for you. Let's go?"



"Pero bakit mo naman ako inintay?" tanong ko sakanya




"Gusto ko lang. Hahaha. Kaya let's go." sabi niya naman




Ano ba naman to! Kinikilig ako ng sobra! Syempre di na ako nagpabebe at sumakay na ako sa kotse niya hahahaha!




"So? Kumain ka na ng breakfast?" tanong niya ng nakasakay na kami sa kotse niya.



"Yes, nagluto si Trish eh."



"Trish? May kasama ka sa condo?"



"Oo, yung kakambal ko."




"So may kakambal ka? Wow! There's two gorgeous ladies pala sa mundong ito hahaha."



Hindi ko naman maiwasang magblush ng sabihin yun ni Ethan.



"Nagbablush ka." nakangiting sambit niya




"Nagbablush? Hindi ah!" pagtanggi ko naman pero alam ko namang nagbablush talaga ako.




"You're cute when you blush." sambit niya naman ng hindi ako tinitignan at nananatiling nakatingin lang sa daan.



"So tell me more about your family."



Kinwento ko naman yung simula umpisa, na meron ngang umampon sakin tapos namatay yung mabait na umampon sakin then nagkandagulo gulo na buhay ko hanggang sa natagpuan ako ng totoong mga magulang ko.



"Hmmm? Buti naman at nakita mo ang real parents mo noh? Atleast hindi ka na mahihirapan."




"Yes. Sobrang laking blessing ng makilala ko ang true family ko." nakangiting sambit ko naman




"By the way, may suitor ka ba ngayon or nagkaroon ka na ba ng suitor?"




"Ngayon? Wala eh. Pero dati oo, meron. Minahal ko nga yun eh."




"Minahal mo pala siya then bakit hindi mo sinagot?"




"Kasi nagloko siya. I don't know kung napagod mag-intay or kung nakahanap ba ng babaeng mas worth it. Pero ang tagal ko rin kasi nagpaligaw, so I think it's my fault too."



"Hindi ka lang niya talaga mahal and hindi mo yun fault. If he really loves you edi sana di ka niya iiwan, di siya hahanap ng iba. You are worth waiting for, Angel."




You are worth waiting for, Angel.




You are worth waiting for, Angel.




Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon