Chapter 21 - Papatunayan ko

169 3 0
                                    

[Angel's POV]

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko. Sinabunutan ko ang sarili ko tsaka humiga ulit sa kama ko.

Pano ba naman, dalawang araw na ang lumipas pero nag-eecho pa rin sa tenga ko ang mga kwento ni Trish.

Alam niyang hindi ako si Trish. Na kahit magkamukang magkamuka kami ay alam niya kung sino ako talaga.

"Uy, baliw ka na ata."

Lumingon ako sa kakambal ko na ngayon ay kakapasok lang sa kwarto habang nagsusuklay.

"Maghinay hinay ka ah. Lumabas ka rin baka mamaya mamatay ka sa kilig dito."

"Che! Di ako kinikilig."

"Lokohin mo lahat, wag ako ah? Sige na papasok na ako." sabi naman niya tsaka ako tinapik sa braso

Tumango naman ako atsaka nahiga ulit sa kama ko.

"Ay oo nga pala, kain daw sa labas mamaya sabi ni Fiona."

Tumayo ulit ako sa pagkakahiga at tumingin sakanya.

"Saan? Anong oras?"

"5 pm, sa ignition."

"Okay." sagot ko naman. Umalis na rin ng tuluyan si Trish.

Nakatitig lang ako sa ceiling. Walang ibang pumapasok sa utak ko kundi yung mga sinabi ni Ethan.

Napabalikwas naman ako ng magring ang phone ko.

Si Des pala ang tumatawag.

"Hello?" pagsagot ko

[Hoy babae. Totoo bang nagresign ka?]

"Oo, totoo."

[Bat di mo kami sinabihan? Akala namin ni Sai di totoo yung mga naririnig namin na nagresign ka.]

"Sorry nakalimutan ko kayo sabihan. Pero ayun, totoo na nagresign ako."

[Hoy Angel, alam mo ba mga rumors na naririnig namin?]

Inagaw pala ni Sai ang telepono kay Des.

"Ano?" walang ganang sagot ko. Mga rumors nanaman.

[Tinuhog mo raw yung magkapatid. Si sir Ethan at sir Enzo. Kaya ka raw tinanggal sa trabaho ni Sir Ethan. Ikwento mo nga, ano ba nangyare?]

"Sa susunod ko na ikekwento. Labas tayo. Pero wag lang ngayon ah? Sige na, babye muna."

Binaba ko na ang phone ko atsaka pinagpatuloy ang pagtingin sa kisame.

Tinuhog ko ang magkapatid? Wow hahaha. Kung sino man ang naglabas ng balitang yun ay bibigyan ko siya ng award na best writer, sobrang galing gumawa ng storya eh.

"Wow. Di ako makapaniwalang may ganung klase ng tao!" sigaw ko sa sobrang inis.

Tumingin ako sa salamin at nanlalaki ang mga mata ko sa sobrang inis.

"Hindi nga nila alam ang buong storya eh! Mga maninira. Bwiset. Sino ba siya? Ha! Gano siya kalinis. Tae, sasapakin ko talaga siya eh. Nakakaasar, dapa---" naputol ang pagmonolouge ko ng may nagdoorbell sa unit ko.

Sino ba to! Aga aga mambwiset siya!

Binuksan ko ang pinto.

"Sino---" nanlaki lalo ang mata ko ng makita kung sino ang nasa harap ko. Tae! Si Ethan.

Please Catch MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon