[Angel's POV]
Kinabukasan pagkadating ko sa desk ko ay may boquet of flowers na andun.
Galing kaya to kay Sir Enzo?
I checked the flowers if there's a card or something pero wala naman. Kanino naman kaya ito galing?
Tumunog naman ang elevator, hudyat na may kakarating lang sa floor na ito. Oh, it's Ethan.
"Goodmorning!" bati ko sakanya
"Goodmorning." napatingin naman siya sa gawi kung saan nakalagay ang bulaklak
"Oh kanino nanaman galing yan?" tanong niya sakin
"Umm, ewan ko rin po eh. Walang nakalagay na letter."
"Hmmm. Pero maganda yung bulaklak."
"Kaya nga po eh. Haha."
"Keep it. Sayang eh." sabi niya naman bago tuluyang pumasok sa opisina niya
Itatago ko naman talaga eh. Pero kanino kaya galing to? At bakit naman ako bibigyan ng bulaklak?
Hindi ko na rin naman pinasakit ang ulo ko sa pag iisip kung kanino ba nanggaling yung bulaklak. Kasi kahit anong isip ko, alam kong wala namang papasok sa utak ko kung sino ba ang posibleng magbigay ng bulaklak sakin.
Naisip kong si Ethan, pero hello! Kakarating niya lang eh samantalang andun na yung bulaklak bago pa ako dumating.
Pagkatapos kong itabi yung bulaklak ay umupo na ako at nagsimulang magtrabaho.
Ang dami ko palang work na naipon. Hays! Baka gabihin nanaman ako ng uwi kakaayos ng schedule ni Ethan.
Habang ginagawa ko ang trabaho ko ay narinig ko naman ang pagbukas ng elevator. It means may dumating na tao.
Napatingin ako sa gawing yun at si Sir Enzo ang bumungad sakin. Nakangiti at may bitbit na paper bag.
"Hi Angel." pagbati niya sakin
"Hello sir." nakangiting sagot ko naman
"For you." iniabot naman niya sakin ang paper bag na hawak niya. Wait, tatanggapin ko ba?
"Um sir, nakakahiya naman po." sagot ko naman sakanya
"Come on, wag ka na mahiya." tsaka niya itinulak yung paper bag papalapit sakin.
"Thank you po, sir."
"Free ka ba ng 12 pm? Ask lang sana kita to have lunch with me."
"Po?" lunch daw with him? Gosh! Nakakahiya!
"Yes, nagleave ako ngayong araw para sana makakain tayo sa labas. So ano? Pwede ba?"
"Magpapaalam po ako kay Sir Ethan." sagot ko naman sakanya
"Oh, si Ethan lang ba ang problem? Okay, I'll talk to him." nakangiting sambit niya
Sakto naman na lumabas si Ethan mula sa opisina niya.
"Angel, I need my----" napatigil siya ng mapansin na nandito ang kuya niya. "Oh kuya, ano ginagawa mo rito?"
BINABASA MO ANG
Please Catch Me
Teen FictionAngel Carmina Gamboa's story. Hindi naman kasi pwedeng turuan ang puso na magmahal. Kung pwede lang sana, edi sana hindi ko piniling mahalin ang kagaya niya. Kaya lang hindi naman kasi natin pwedeng ituro sa puso natin kung sino ang dapat na magustu...