Sa bawat pagpatak ng ulan,
Luha'y nag-uunahan lumabas
Sa bawat pagpatak ng ulan,
Hikbi'y muling lumalandas
Sa bawat pagpatak ng ulan,
Kaiisip sayo'y hindi mapigilan
Sa bawat pagpatak ng ulan,
Sakit ay muling nararamdaman.
Iniisip kung kamusta ka na ba,
Iniisip kung mahal mo ba siya,
Iniisip kung wala ba akong halaga,
Iniisip kung mas masaya ka ba,
Sa mahal mong hindi ka
Naman mahal talaga.
BINABASA MO ANG
Bawat Salita
PoetryIsang komposisyon na naglalaman ng mga tagalog na tula, sanaysay at iba pang naglalarong kataga sa aking isipan. Mga katagang may bahid ng sakit, mga katagang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakakalungkot isipin na... dinadaan ko lang ito sa bawa...