Pangako

59 2 0
                                    

Noong ika'y aking nililigawan, patuloy kang nagtatanong sa akin kung ikaw ba ay aking iiwan. Ngumiti ako at sinabing hindi, hindi kita iiwan magpakailanman.

Kay sarap magbago para sa'yo. Kahit na iyong mga nakasanayan ko ay bigla nalang naglaho. Mambabae, uminom, manigarilyo, tila lahat ay nawala dahil sa presensya mo.

Sinagot mo ako. Ang sarap sa pakiramdam na ako'y napasayo, at pwede na kitang angkinin para lamang sa sarili ko. Nangako ako, minahal kita nang buong puso, sayo umikot bigla ang mundo. Nagtagal tayo.

Kaso iniwan mo.

'Yong sinabi mong pangako, iyo lamang pinako.

Samantalang ako, tinupad ko iyon para sa'yo.

Iniwan mo akong mag-isa, iniwan mo nang parang bula.

Itinapon mo nalang bigla, lahat ng ating mga alaala.

Para sa kaniya.

Para sa iba.

Bawat SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon