Mahal pa rin kita

41 3 0
                                    

Lumipas na ang mga araw at oras

Hindi ko mawari kung bakit hindi pa rin lumilipas

Ang mga kataga mo at pagmamahal

Nandito pa rin, umaagos, hindi nagwawakas.


Sa bawat letrang aking isinusulat

Katumbas ay mga hinaing at mga lamat

Dulot ng mga memorya ng nakaraan at

Ng pagmamahal kong hindi kailanman naging sapat.


Makahanap man ako ng iba,

Alam kong mahal pa rin kita

Piliin mo man ang mga bituin,

Mamahalin pa rin kita

At kahit ako'y nasasaktan na,

Hindi ako susuko dahil

Mahal pa rin kita.

Bawat SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon