Hindi ka ba nagsisi,
Noong ako'y nawala sa iyong tabi?
Hindi ka ba natakot,
Na baka ako'y mag-isa at nalulungkot?
Hindi ka ba nagalit
Sa iyong sarili nang ako'y iyong pinagpalit?
Hindi ka ba nanghinayang,
No'ng ako ay iyong pinakawalan at sinayang?
Kasi ako ay hindi.
Hindi na ako magpupumilit
Hindi na ako magmamalabis
Papakawalan na kita at
Hahayaan na lamang umalis.
BINABASA MO ANG
Bawat Salita
PoetryIsang komposisyon na naglalaman ng mga tagalog na tula, sanaysay at iba pang naglalarong kataga sa aking isipan. Mga katagang may bahid ng sakit, mga katagang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakakalungkot isipin na... dinadaan ko lang ito sa bawa...