Ayoko sa lahat 'yong,
Pinapayagan mo ako.
Ang aking gusto lamang ay,
Laging bantay sarado mo.
Pagdating sa mga babae,
Ikaw pa mismo ang kumakausap dito.
Pero bakit no'ng sinabi kong lilisan ako,
Pinayagan mo rin ako?
No'ng napagod ako,
Hindi ka nang-alok ng yakap mo.
Noong wala akong malapitan,
Sadyang bigla kang naglaho.
Hindi ba ako ganoon kahalaga
Para lang lisanin mo?
Hindi mo na ba ako mahal
Para lang pabayaan mo?
BINABASA MO ANG
Bawat Salita
PoetryIsang komposisyon na naglalaman ng mga tagalog na tula, sanaysay at iba pang naglalarong kataga sa aking isipan. Mga katagang may bahid ng sakit, mga katagang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakakalungkot isipin na... dinadaan ko lang ito sa bawa...