Sa dinami-dami ng kahulugan ng pagmamahal,
Ikaw lamang pala ang kailangan para maintindihan ko ito.
Sa dinami-dami ng tao sa mundo,
Ikaw lang pala ang nakatadhana para sa isang katulad ko.
Parang isang teyorya ng pagkakalikha ng mundo
At ikaw 'yon, ikaw ang nagsilbing mundo ko.
Tila isa kang bulalakaw na hindi tuluyang naglaho
Sa isang iglap, dumiretso ka sa piling ko,
Nag-iwan na lamang ng marka, at hindi lumayo.
Sa pag-aakala kong permanente ka na
Sa pag-aakala kong hindi ka na mawawala,
Minahal kita nang higit pa sa iyong inaakala.
Kaya noong lumisan ka, tila mundo'y nawala na.
Tuluyan nang nawalan ng dahilan
Tila nawalan na ng kinabukasan
Tila nawalan na ng kalakasan para lumaban
Dahil ang salitang 'ikaw at ako'
Ay hinding-hindi ko kayang wakasan.
BINABASA MO ANG
Bawat Salita
PoetryIsang komposisyon na naglalaman ng mga tagalog na tula, sanaysay at iba pang naglalarong kataga sa aking isipan. Mga katagang may bahid ng sakit, mga katagang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakakalungkot isipin na... dinadaan ko lang ito sa bawa...