Paano?

51 2 0
                                    

Minsan ba naiisip mo, kung paano kapag hindi tayo nagkakilala? Yung tipong ako, masaya na sa buhay ko, pero ng dahil sa'yo, gumuho na lang bigla.

Yung tipong noon, sapat na ang lahat para sa'kin. Pero ng dahil sa paglisan mo, biglang naging kulang. Parang isang puzzle lamang ako na binuo mo, pero no'ng nawala ka na, wala na ulit pang makakabuo sa akin.

"Hi! Anong pangalan mo?" 'Yan 'yong katagang pinagsisisihan pero pinasasalamatan ko. 'Yan kasi yung dahilan kung bakit ako nakumpleto, pero iyan din yung dahilan kung bakit ako nanlumo at nagsimulang magtanong kung lagi ba talaga ako naiiwang talo.

Napakadaming paano ang nabuo sa isipan ko simula noon. Sobrang dami na baka hindi na kayanin ng isipan mo, o kaya'y hindi mo man lang maranasan dahil ikaw mismo ang gumagawa nito sa ibang tao.

Sa akin.

Paano na lang kaya kung ikaw yung sabihan ko ng mga masasakit na salita?

Paano kaya kung.. ikaw yung sabihan ko ng mga salitang alam kong dahilan ng mga lumipas na pagkakataon at pagkawala ng pag-asang dapat sana ay mayroon pa?

Paano kaya kung ikaw yung iwanan ng lahat, na ganito lagi ang eksena sa buhay mong may kwenta pala?

Na laging.. sarili mo na lang ang natitira. Tapos napagalamanan mong "past time" ka lang pala.

Minsan, naiisip ko kung paano na lang kung ikaw yung nasa pwesto ko? Na ikaw yung laging talo.. na ikaw yung laging nahuhulog pero laging walang sumasalo?

Paano nalang kung.. ikaw 'yong iwan ko? Magtatanong ka din ba sa akin ng mga paano?

Bawat SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon