Sabi ko sayo ay gusto na kitang makita. Nagulat ako kasi tinanong mo ako kung bakit. Nagulat ako kasi hindi mo ako sinabihan pabalik. Nagulat ako kasi kahit ako'y sabik na sabik pa rin sa iyong mga halik, wala ka lamang reaksyon, sadya ka lang napaisip. Tila wala na 'yong nararamdaman mo noon para sa'kin, tila inihip na lamang ito ng hangin.
Sabi ko sayo mahal pa rin kita. Hindi na ako nagulat no'ng sinabi mong may mahal ka ng iba. Hindi na ako nagulat no'ng hindi mo na ako pinagtuunan ng pansin, nasa kaniya na kasi ang iyong tingin. Nasa kanya na kasi 'yong puso mong dati ay sa akin.
Sabi ko sayo ay handa akong maghintay. Na handa kong ibigay ang lahat para lang mahawakan kong muli ang iyong mga kamay. Pero sabi mo, mas masaya ka sa kaniya, kaya hinayaan kitang umalis na, tutal ayaw ko namang maging malungkot ka.
Hindi na ako nagulat no'ng kayo ay naging isa sa tamang panahon. Na kayo pa rin ang nagkatuluyan, at tila tuluyan na akong nawalan ng pagkakataon. Sabi ko sa sarili ko, mahahanap ko din 'yong lalaking nakatakda sa puso ko. 'Yong mamahalin ako pabalik, 'yong hindi ko na kailangang mamilit, 'yong hindi ko na kailangang masaktan, at 'yong hindi ko na kailangang umiyak pa sa kawalan.
Kasi ayoko nang umasa. Ayoko nang maniwala pa. Ayoko nang buksan ulit ang isip at puso ko sa ibang taong mananakit lang at sa huli, ako pa rin ang magpaparaya.
BINABASA MO ANG
Bawat Salita
PoetryIsang komposisyon na naglalaman ng mga tagalog na tula, sanaysay at iba pang naglalarong kataga sa aking isipan. Mga katagang may bahid ng sakit, mga katagang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakakalungkot isipin na... dinadaan ko lang ito sa bawa...