Sana kahit minsa'y mabigyan ng pansin,
Sana kahit minsa'y mapukaw ko ang iyong tingin,
Dahil tila isa lamang akong hamak na hangin,
Na kahit hindi mo magawang tumingin,
Umaasa pa rin akong kaya mo akong damhin.
Alam kong hindi pa ito sa ngayon
Alam kong hindi pa ito ang panahon
Pero kung sa kaniya'y hindi ka pa rin makaahon,
Nandito ako, handa kang saluhin anumang pagkakataon.
Hindi tulad niya na iniwan ka noon
Na parang isang lantang dahon.
BINABASA MO ANG
Bawat Salita
PuisiIsang komposisyon na naglalaman ng mga tagalog na tula, sanaysay at iba pang naglalarong kataga sa aking isipan. Mga katagang may bahid ng sakit, mga katagang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakakalungkot isipin na... dinadaan ko lang ito sa bawa...