Alam mo ba na 'yan 'yong pinakamasakit na salita
Na kahit alam kong mahal mo ako,
May hadlang pa rin sa dulo.
May salitang 'pero' na siyang dahilan ng pagsakit at pagsuko ko.
Pero masisisi mo ba ako
Na sa huli'y nagsawa na lang
Kahit na ang hinihingi ko lamang mula sa'yo
Ay ang kahalagahan ko na maparamdam mo, kahit kahit kaunti man lang?
Mahalaga ka pero
Masaya ako sayo pero
Mahal kita pero
'Yan 'yong laging binibitawan mo
'Yan 'yong laging sinasabi mo
Pero kahit isang beses,
Matatanggal ba 'yong salitang 'pero'
Sa mga mungkahi mo?
O talagang niloloko mo lang ako
At paraan lang 'yan para mahulog ako sa'yo?
BINABASA MO ANG
Bawat Salita
PoetryIsang komposisyon na naglalaman ng mga tagalog na tula, sanaysay at iba pang naglalarong kataga sa aking isipan. Mga katagang may bahid ng sakit, mga katagang hindi ko kayang sabihin sa kanya. Nakakalungkot isipin na... dinadaan ko lang ito sa bawa...