(Sophia's POV)
Kasabay ko ngayon si Kuya JJ tsaka si Rence paakyat ng 2nd floor ng HS building ( kasi nandun yung classroom namin malamang ) . Ang daming taong nag-tinginan kaninang papasok kami ng school, pati ngayon nag-titinginan parin sila. Siguro nasanay na sila na kasabay ni Kuya JJ si Evil Jewel. Nagulat rin ako ng malaman ko na mag-kapitbahay lang pala si Zeke tsaka si Kuya JJ, magkakalapit lang pala yung mga bahay namin ng hindi namin nalalaman.
"Si Papa JJ tsaka si Papa Rence yun diba?"
"Sino yung panget na kasama nila?"
"Oo nga! Bakit hindi kasama ni Papa JJ si Jewel?"
"Baka break na sila?"
"OMG! Ibig sabihin, single si Papa JJ ngayon?"
"KYAAAAAAAAAAAA!!!"
POTA. Maka-sabi ng panget parang sila hindi mukhang PALAKA.
Nanahimik lang kami na umaakyat papunta sa room. Ako sa gitna tapos si Rence tsaka si Kuya JJ nasa gilid ko. Ang tahimik ni Kuya JJ ngayon, usually ang kulit-kulit niya. Hindi ako sanay.
Tapos biglang.......
"AY, SORRY. Hindi kita napansin eh~~" - sabi ni Jewel na nag papa-cute pa
FUDGE t( =__= ) . MUNTIKAN NA AKO MAHULOG NUN AH! BUTI NALANG NASALO AKO NI RENCE!!
Bakit? Nanguna kasi si Jewel sa amin, tapos habang umaakyat siya sinipa niya yung right leg ko, syempre nakatlikod siya nun so mukhang aksidente lang......kasi AKO YUNG NASA LIKOD NIYA AT HINDI HALATANG NAASAR SIYA DIBA?!?
Hihilahin ko na sana yung buhok ni Jewel para gumanti, ng biglang pinigilan ako ni Rence tapos nag-salita si Kuya JJ, "Jewel, alam mo masama ka talgang tao. Sinasaktan mo pa si Sophia physically, eh sinaktan mo na nga siya emotionally! Kilala mo si Drake diba? Yung Ex ni Sophia na pinaglaruan lang pala yung puso niya, tsaka ang walang iba kung hindi ang iisang, BOYFRIEND MO. KASI HINDI MO AKO BOYFRIEND EH. SIYA LANG" . Galit na galit si Kuya JJ. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan, nakakatakot. Pero ang lalim nun ah! GO KUYA JJ!!! FOR THE WIN!!
Si Jewel naman nagulat, tapos namutla. So, totoo nga na si Jewel yung kasama ni Drake dati na babae. PUTA. Mag-sama silang dalawa! PAREHO LANG SILA NA PLASTIC!
Si Jewel naman ung itsura niya para bang may bumulaga sakanya na multo, "WHAT? How did-? Wait, JJ, let me explain--". Pinutol naman ni Kuya JJ yung sinasabi ni Jewel, "Alam mo bang mahal na mahal kita tapos ikaw binale wala mo lang pala lahat yun? HA?!"
Nag-bubulungan yung mga tao na nakarinig at nakakita sa nangyari.
"May kabit daw si Jewel!"
"OMG! Kawawa naman si Papa JJ!"
"Grabe! Hindi ko alam na ganun pala si Jewel!"
"Halata naman na may kabit yan eh! Ang landi!"
Si Jewel naman tinignan ako ng masama. AS IN. Yung parang lalamunin niya ako anytime. "Ikaw! Ikaw nag-sabi sa kanya, tama ba? Siguro nilalandi mo lang si JJ, noh? Yun ba yung dahilan na sinabi mo yun sa kanya? SELOS KA LANG KASI AKO MINAHAL AKO NI DRAKE, IKAW HINDI! PINAG-LARUAN KA LANG NIYA! HAHAHAHA! KAWAWA KA NAMAN!", sinabi niya yun na parang inaasar niya ako. Shet. Bakit naman ako nasama bigla diyan? Sabi na nga ba na hindi ko siya kaibigan eh, KAAWAY YAN, SIMULA DATI, KAAWAY YAN.
Pero.....ang sakit ah. Minahal siya? So sineryoso ni Drake si Jewel? Tapos ako laruan lang pala? Parang naiiyak ako. Hindi. Hindi pwede. Stay strong Sophia, wala ka nang paki sa lalaki na yun.
BINABASA MO ANG
Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)
Teen FictionOnce upon---- Yan nanaman? Gasgas na yan eh! Ibahin natin ang fairytale na toh. Scratch that. This isn't a fairytale. This is a story. *curtains open* "I met him. He's number 88." Dito nag-simula ang lahat.