( Sophia's P.O.V. )
"Bitawan mo nga ako!" sabi ko sa lalaking niyakap ako at tinulak ko siya palayo. Pssh. Sa lahat ng pwedeng i-welcome home ako, kailangan talaga si Xavier pa? Paano ba siya napunta dito? Ang alam ko tumatakbo lang ako pauwi pero hindi ko alam na naunahan pala niya ako pauwi. "Naipit mo si Kit...." Kit nga pala yung pinangalan ko doon sa pusa na napulot ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito, ha? Nasaan na sila Kenth tsaka si Rence?" Kapag nakita ko yung dalawang yun.....lagot sila sa akin = ____ =+++ Hinimas-himas ko lang yung ulo ni Kit habang hindi makatingin kay Xavier.....shet....bakit pa kasi siya pumunta dito ehhh! "Malamang pupunta ako dito kasi tinakbuhan mo ako ng tinawag kita sa park! Tapos tumakbo ka lang ng tumakbo kahit umuulan na!
HINDI MO BA ALAM NA NAG-ALALA AKO PARA SAYO?!"
.....
Nagulat ako ng narinig ko yung sinabi ni Xavier. Hindi ko in-eexpect na sa sasabihin niya yun. Naramdaman ko nalang na may mainit na liquido na tumutulo galing sa mata ko. Anubenemen tong' nangyayari sa akin. Bakit ba ako umiiyak?!
Bigla nalang hinawakan ni Xavier yung dalawang pisngi ko gamit ang mga kamay niya tapos i-tiningala niya yung ulo ko para instead na nakatingin ako kay Kit ay nakatingin na ako sa kanya. Pinunasan niya yung luha ko gamit yung thumbs niya. "Ang shongeks mo talaga. Hindi mo ba alam na mag-kakasakit ka?
Pinag-alala mo sila Rence. Sa sobrang kaba nila na baka may nangyari sayo, nakatulog sila sa kwarto mo. Pag-dating ko dito sabi nila sa akin na hantayin daw kita kasi inaantok na sila sa kakahantay." at pagkatapos naman nun ay pinitik niya yung ulo ko.
Bigla nalang ako nakaramdam ng galit. Ngumiti ako. Isang fake smile. "Ahh, ganun ba? Sige, pupuntahan ko nalang sila. Umuwi ka nalang, gabi na." tapos tinanggal ko yung pagka-hawak niya sa mukha ko at tumakbo na papunta sa kwarto ko."Teka lang! Sophia!", sigaw ni Xavier habang paakyat ako ng hagdanan. Hindi ko na siya pinansin at maya-maya ay narinig ko nalang na bumukas ang pintuan at umalis na siya.
Pssh. Parang hindi naman siya nag-alala eh. Hindi naman yata sincere yung sinabi niya na nag-aalala siya. Baka kinukuha lang niya yung atenttion ko kaya niya sinabi yun. Pssh. Nakak-inis!! I-hagis ko siya sa kanal eh! HMPH! Bahala siya sa buhay niya!! Sana mabasa siya ng ulan tapos mag-kalagnat siya!! Bakit ko nga ba naisip na naging crush ang isang lalaki na ganun?! Tsaka ano ba naman yung dalawang yun! NAKATULOG SILA DAHIL SA PAG-AALALA? What the--?! Anong klaseng excuse yun?!
*BLAG*
Sinipa ko pabukas ang pintuan ng kwarto ko pero.....
HINDI PA NAGISING YUNG DALAWA!! Tsaka mag-kayakap pa talaga sila habang natutulog!! Pfft. Mag-kayakap....HAHAHAHAHA!! Mukha silang mga ewan!! Ma-picturan nga >: )
Nilapag ko muna si Kit at pinunasan ang kamay ko sa towel ko. Basang-basa parin kasi ako dahil sa ulan eh. Kinuha ko yung camera ko kahit yung mga kamay ko palang ang tuyo at pinicturan sila.
*FLASH*
BWAHAHAHAHAHA!!!! Nakakatawa talaga yung itsura nila!!! OK....kailangan ko na sila gisingin. Syempre kama ko yun noh, tapos doon talaga sila natulog habang ako naman basang-basa na nakatayo dito. Paano ko nga ba gigisingin yung dalawang yan?
May naisip na ako! Tatlong paraan ang naisip ko, in-case na hindi gumana ang isa. Plan A, Kikilitiin! Kiniliti ko si Rence.
No effect.
Si Kuya Lucash naman yung kiniliti ko. Tapos....
Tinulak niya ako. Pota. BAKIT NIYA AKO TINULAK?! Napa-upo tuloy ako sa sahig! Tapos niyakap ulit niya na parang stufftoy si Rence. Pssh. Ano ba namang tong' mga toh.
Next. Plan B! Sigawan. "HOOOOOOOOOOOOOOOOOOY GUMISING NA KAYO!!! TIK-TILAOK!!! GISING NA!!!", sigaw ako ng sigaw.
Pero no effect parin.
Plan C! Itulak!! Kapag hindi pa toh gumana, lagot na. Kaya ko naman siguro sila itulak. Ang lakas ko kaya! Tinulak ko si Rence tsaka si Kuya Lucas.
PUCHA ANG BIGAT! PARA SILANG DALAWANG BABOY NA MAY KARGANG ISANG SAKO NG BIGAS! Tsk, tsk. Mukhang hindi ko magigising yung dalawa na toh. Grabe naman MAG-ALALA yung BESTFRIEND tsaka KUYA ko. TULOG lang ng TULOG. Haay, mukhang sa guest room ako matutulog ngayon - ____ -" Late na, mag-tetwelve o'clock na yata. Pagod na pagod na ako dahil sa lahat ng nangyari ngayong araw na toh. Parang nahihilo ako pero hindi ko nalang pinansin yun.
Nag-lakad na ako papunta sa closet ko para kumuha ng pang-tulog na damit at pagkatapos ay mag-hahalf bath ako. Haay, basang-basa parin ako dahil sa ulan. Tapos yung carpeting pa ng sahig ko, nabasa rin. Tapos ang lamig pa! Naka-on kasi yung aircon sa kwarto ko. Mag-kakasakit talaga ako. Bubuksan ko na yung closet ko ng may napansin akong isang bagay na nasa sahig sa gilid ng closet ko. Isang megaphone........hmm......
Bakit nga ba ako may megaphone?
Kinuha ko ito galing sa pwesto nito sa bedroom floor ko. Hmm.......wait lang......may naisip ako >: )
Tinurn on ko yung megaphone ko tapos lumapit ako doon sa dalawang baboy na natutulog sa kama ko. And then....
"HOY DALAWANG SLEEPING BEAUTY, GUMISING NA KAYO!! HINDI NA DADATING YUNG PRINCESS CHARMING NIYO!!! KAMA KO YAN MGA SHONGEKS!!!"
Sa sobrang lakas ng tunog ng megaphone ko na nakatapat sa mukha nila, nagising na sila sa wakas at napa-upo bigla. Halatang gulat na gulat sila dahil sa ginawa ko. Sobrang laki ng mata nila, ganito oh----> O . O
"Sophia, bakit mo kami ginising?!", naiinis na sabi sa akin ni Kuya Lucas tsaka ni Rence. Aba! Sila pa talaga yung galit ngayon?! Pssh. Ako na nga yung napagod ng bonggang-bongga dahil sa nangyari ngayon tapos sila pa magagalit sa akin?!
"Kayo pa talaga nagagalit ngayon? Wala kayong karapatan na magalit sa akin kasi number one, hinayaan niyo ako na kidnapin ni Drake kanina. Number two, naligo ako sa ulan at parang mag-kakasakit pa ako dahil sa ginawa niyo. Number....three---", hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla nalang akong nang-hina......
"SOPHIA!!" yun ang huli kong narinig bago biglang mag-dilim ang paningin ko.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Neko-chan: Hiiii!!! Gusto ko lang po sabihing, THANK YOU! sa lahat ng nag-basa ng Welcome to Wonderland hanggang sa chapter na ito. Search no. 30 na! Ang layo na ng nalakbay ng story na ito! Kay it's time na mag-siryoso na ako. Bwahahaha....abangan ang mga susunod na chapters! Ang sama ni Xavier noh? Iniwan lang si Sophia. Dapat hinabol niya eh. Tch. Ang sama talaga niya.
Xavier: HOY!! Hindi kaya ako masama! Anghel ako noh!! Hulog ako ng langit!!
Oh? Talaga? Kaya ka siguro napunta sa Earth kasi nireject ka doon noh?! Tsaka kung anghel ka, bakit hinayaan mo lang si Sophia na maging ganun? Dapat inalagaan mo siya pag-dating niya sa bahay nila. Nakita mo namang naligo yung tao sa ulan, tapos hinayaan mo lang!
Xavier: .....I have my reasons.....
REASONS YOUR FACE!!
BINABASA MO ANG
Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)
Teen FictionOnce upon---- Yan nanaman? Gasgas na yan eh! Ibahin natin ang fairytale na toh. Scratch that. This isn't a fairytale. This is a story. *curtains open* "I met him. He's number 88." Dito nag-simula ang lahat.