Neko-chan: Gomen Nasai!! Sorry for the late update! Masyado akong na-addict sa panunuod ng VOCALOID tsaka yung Hello Baby ng SHINee kaya naka-limutan ko na mag-update T ^ T Sorry po.
AND HAPPY 700+ READS! \ ( ^ ___ ^ ) /
Enjoy~~
WARNING: Bad words.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
(Sophia's P.O.V. )
O _______________________ O
Shit.
Anong ginagawa niya dito?
"Drake? What the hell are you doing here?!" napatayo si Kuya Kenth. SHETSHETSHETSHETSHET. ANONG GINAGAWA NIYA DITO? PAANO NIYA NALAMAN KUNG SAAN AKO NAKATIRA?
"I was just worried. I saw you carrying Sophia a while ago."sabi niya kay Lucas tapos humarap siya sa akin. "What hapened to you?" lalapit sana siya sa akin pero hinarangan siya ni Rence. "Wag na wag mong lalapitan si Sophia kung ayaw mong ihagis kita papunta sa impyerno." nakaka-takot na sabi ni Rence sa kanya.
Buti nalang nandito yung dalawa na yan. Nanigas kasi ako kanina ng lalapit si Drake sa akin. Shet. Bigla ko nalang naalala yung babae na kasama niya sa cafe......ewan ko kung bakit pero ang sakit.......dapat nakalimutan ko na siya eh......pero ng nakita ko siya.....
"Ano ba paki mo? Nag-aalala lang naman ako para kay Sophia." sabi ni.....
Drake.
"Paano----" pinutol ni Drake yung sasabihin sana ni Rence habang si Kuya Lucas naman ay naka-titig lang kay Drake ng masama. Teka, naguguluhan na talaga ako. Kanina si Kuya Lucas, ngayon naman si Drake? Ang dami nilang tinatago sa akin ah.
"Surprised? No time to explain, I didn't come here for you. I came here for Sophia." at pagkatapos nun ay tinulak niya si Lucas tsaka si Rence. Shit. Ayan na. Papalapit na siya sa akin. Hindi ako maka-galaw. Bakit hindi ako maka-galaw?!
"Sophia, can you come with me for a while?" hindi pa ako nakaka-sagot ay bigla nalang niya akong hinila at dinala sa kotse niya. Shet. Ano namang plano ng lalaki na toh sa akin?
Sumakay ako sa kotse niya at pagkatapos ay pumasok na rin siya at nag-simulang mag-drive. Ano ba kasing plano ng lalaki na ito sa akin? Hala.....baka may plano siyang gawing masama sa akin! Bata pa po ako TT ^ TT Katapusan ko na po ba ito, Lord? Ayokong mamatay na itong lalaki na toh ang huli ko na makikita T ^ T
~~~SILENCE~~~
After 100 years, napunta kami sa isang park. Dinala niya ako sa playground at umupo kami sa swings. Pucha. Dinala niya ako dito para mag-laro lang sa swings?! "Kung mag-lalaro lang tayo, aalis na ako." tapos tumayo ako pero hinawakan niya yung kamay ko.
"Sophia, please. Hear me out. I--......can I just talk to you for a while? Please. I know, marami akong hindi sinabi sayo and all, but.....Can you let me explain, please?" mukha namang sincere yung mga pinag-sasabi niya kaya umupo na ulit ako sa swing kahit labag sa kalooban ko. Syempre mabait ako kaya pinag-bigyan ko pa. Tsaka parang hindi yata ako makaka-alis dito hangga't hindi ko naririnig yun sasabihin niya dahil....
kahit anong pilit ko lumayo, baballik ako ng babalik dito para lang sa kanya. Shet. Ano ba problema ko? Akala ko naka-get over na ako. Hindi pa pala...
"Ano ba kailangan mo? Tsaka pwede bang paki explain kung paano ka nakaka-salita ng tagalog, akala ko english lang alam mo?" naiirita ko na sabi sa kanya. Nako, sana hindi biglang lumabas yung dark Alice mode ko, baka kung ano pa magawa ko dito sa lalaki na toh.
Tahimik lang siya, parang nag-iisip pa siya kung sasabihin ba talaga niya o hindi. Tsk. Nakakairita siya ah. "Kung pinag-lalaruan mo lang ako at wala ka talagang sasabihin aalis na talaga ako." sabi ko. Seriously, sa sobrang inis ko mag-wawalk out talaga ako. Kahit parang mahal ko parin siya ngayon, mas naiinis naman ako sa kanya. Ano ba kasi problema niya at dinala niya ako dito?!
"Sophia, listen. I just want to say that......", hindi na ako nakinig kay Drake. Actually, parang hindi ko na siya narinig. Kasi.....
Nandito si Xavier at......
sino--.....
sino yung babae na kasama niya?
"Sophia? Sophia are you alright? You look like you've seen a ghost." sabi sa akin ni Drake. Pero wala akong paki. Ewan ko kung bakit pero naiinis ako kay Xavier. Naiinis ako na after niya akong makita na kinarga ni Lucas pa-alis ng cafe, wala man' lang siyang paki. Tapos kasama pa niya........yung babaeng........nakita namin sa amusement park......
"Drake, I'll talk to you some other time. Right now I need to go....." tapos tumayo na ako. Hindi na ako pinigilan ni Drake. Pero bago ako tumayo, nakita ko na napa-tingin siya doon kila Xavier. Napansin siguro niya na doon ako naka-tingin. At nakita ko na nagulat rin siya. Ano naman kinalaman ni Drake doon?
Hindi ko nalang pinansin yun at dumiretso na ako pa-alis. Sa totoo lang, malapit lang yung park na toh' sa amin, pwede nang lakarin. Kaya ko lang sinabi na 100 years kasi parang 100 years na kami doon sa kotse sa sobrang tahimik.
Malapit na ako doon sa exit ng park at makaka-alis na sana ako ng biglang......
"Sophia?"
Run.
Tumakbo ako. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Bigla nalang umulan pero wala akong paki. Takbo lang ako ng takbo. Shit. Ano ba nangyayari sa akin hindi ko na maintindihan yung feelings ko. Bakit nga ba ako tumakbo ng narinig ko na tinawag ni Xavier yung pangalan ko? Naguguluhan na talaga ako. Sobra.
Takbo....
Takbo....
Takbo.....
Malapit na akong makarating sa bahay namin. Pero bigla nalang akong nadapa. Shet ang lampa ko. Nadapa pa ako kung kailan malapit na ako sa bahay. Pssh. Kaasar. Nakaka-asar tong' araw na toh.
"Meow."
Hhuh? Meow? Saan nang-galing yun?
"Meow."
Da heck? Ano yun? Tumingin-tingin ako sa paligilid at may nakita akong pusang nabasa dahil sa ulan na naka-tingin sa akin. Ang cute......parang nawala lahat ng problema ko dahil doon sa pusa. Ang cute niya, kahit basa na siya dahil sa ulan. "Kawawa ka naman. Dalhin nalang kita sa bahay~", kinarga ko yung pusa tapos tumayo na ako.
Habang palapit ako ng palapit sa bahay, napansin ko na naka-park parin yung kotse ni Kuya Lucassa garage. Hindi pa siya umuuwi?
Pag-pasok ko sa bahay, agad akong niyakap ni..........uh..........ewan ko eh, hindi ko nakita.
"Sophia! Buti nalang ligtas ka!"
Shit.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Neko-chan: Sorry. Sorry po talaga dahil ang tagal ko mag-update, sana nandyan pa kayo. Nandyan pa naman kayo readers diba? Sana nagustuhan niyo ang update na ito ^ ___ ^
BINABASA MO ANG
Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)
Teen FictionOnce upon---- Yan nanaman? Gasgas na yan eh! Ibahin natin ang fairytale na toh. Scratch that. This isn't a fairytale. This is a story. *curtains open* "I met him. He's number 88." Dito nag-simula ang lahat.