(Rence's P.O.V.)
SHET! NAASAR TALAGA AKO KAY JEFF! PUCHA! BAKIT NIYA GINAWA YUN?!
~~~~~~Flashback~~~~~~~
Malapit na kami sa bahay nila Sophia, galing kami sa school. Kanina ko pa napapansin na parang ang lungkot ni Sophia. Kahit nakangiti siya, alam ko kung kailan niya tinatago yung kalungkutan niya. "Sophia, anong nangyari kanina ng nag-kita kayo ng secret admirer mo?", tanong ko sa kanya. Pero hindi niya sinagot, tahimik lang siya.
Pero ng nasa loob na kami ng bahay nila at nandun na kami sa kwarto niya bigla siyang umiyak kahit nakangiti siya, "Alam mo Rence, ang tanga tanga ko talaga. Akala ko iba siya eh. Akala ko hindi niya ako sasaktan. Hindi ko alam na parehas lang pala sila nila Drake. Ang sakit sakit alam mo ba? Na pinagkatiwalaan mo ang isang tao, naging kaibigan, muntikan nang mahalin ng lubos-lubusan pero traidor rin naman pala?! Plastic lang siya. PLASTIC!!"
Sino gumawa nito!? Bubugbugin ko!!! Sabi na nga ba't dapat sinamahan ko nalang si Sophia eh! Tinanong ko kay Sophia kung sino ba yung tanginang nagpa-iyak sa kanya, "Sophia, sino ba yung secret admirer na yun?"
Mas lalo siyang umiyak, "Si Je---Jeff. Kasabwat niya si J--ew---l. Pinagta---wanan l--l--lang nila ako. Prank lang da---daw la--lahat ng gina--nawa ni Jeff." Ah..si Jeff pala...makaka-tikim yun ng------DAFUQ?! SI JEFF YUNG MAY KASALANAN NITO?!?! Kaibigan namin yun ah!
SHET! ANO BA KASI ANG MALAKING KASALANAN NI SOPHIA KAY JEWEL AT PALAGI NALANG SIYANG GINAGANITO?! And I can't believe na ganito pala kasama si Jewel! Boyfriend na nga ni Jewel si Drake, pinaglaruan pa niya si Sophia gamit si Jeff.
Crush kaya ni Sophia si Jeff!!!! Sobrang sakit nga ng sinabi niyang may date daw silang dalawa ni Jeff ng Saturday, pero hinayaan ko nalang kasi isa sa mga trusted na kaibigan namin si Jeff. Pero anong ginawa niya? SINAKTAN NIYA SI SOPHIA!!!
Tangna. Bubugbugin ko yung lalaki na yun. PAGKAKITA KO SA KANYA, HE'S DEAD MEAT.
~~~~~~End of flashback~~~~~~~
Ang shongeks ko. Dapat talaga, sinamahan ko si Sophia! I knew it. I didn't trust that person sending gifts to Sophia. No offense kay Sophia pero, wala akong gaanong kakilala na may gusto sa kanya in that way.
Halos lahat ng boys dito inaasar siya for some reason, ewan ko kung bakit basta inaasar siya. May lahi pa yatang amazona yang babae na yan eh. Inaaway rin sila kaya halos lahat ng boys takot sa kanya. Kung natatakot sila kay Sophia sa normal galit mode lang, paano pa kaya kung nakita nila yung Dark Alice mode niya?
Tsaka sa lahat ng pwedeng saktan si Sophia, kailangan si Jeff pa?! THAT BASTARD. TANGENA SIYA! Alam naman niya na may trust issues si Sophia sa mga lalaki, pero ginawa parin niya yun! Si Jewel pa talaga yung kasabwat niya! Sa susunod na makita ko si Jeff, idederetso ko na siya sa langit! Akala namin ni Sophia, kaibigan namin siya. Pero hindi pala! Isa rin lang siya sa mga ginagamit ni Jewel para saktan si Sophia.
Papunta ako sa classroom ngayon. Si Sophia naman. Mag-cucutting yata. Wala daw siya sa mood mag-aral. Hindi ko na natanong kung saan siya pupunta, basta nalang siya nawala pagkatapos niyang sabihin na baka mawala siya tapos babalik nalang siya after lunch.
.......
Pag-pasok ko ng classroom, hinanap ko kaagad si Jeff. Pagkakita ko sa kanya, lumapit ako kaagad sa kanya tapos sinuntok ko ng kalakas-lakas. "SHET! TANGENA MO PRE! LECHE KA!", sigaw niya sa akin, napaupo si Jeff sa lakas ng impact ng suntok ko sa mukha niya. Ha! Sira na yung pinag-aalagaang mukha mo!
BINABASA MO ANG
Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)
Teen FictionOnce upon---- Yan nanaman? Gasgas na yan eh! Ibahin natin ang fairytale na toh. Scratch that. This isn't a fairytale. This is a story. *curtains open* "I met him. He's number 88." Dito nag-simula ang lahat.