( Sophia's POV )
~~~SUMMER BEFORE 3RD YEAR
"BEEEP! BEEEEP! WAG KANG HARANG!"
*beep beep*
"1ST PLACE!!!! ANG GALING KOOO---"
*may nahulog na bagay*
Tumigil ako sa pag-cecelebrate ng may nahulog na bagay mula sa bulsa ko at nakita ang pinakaminamahal ko na bagay sa aking 16 beautiful years of exis---
[Neko-chan: HOI! ANONG BEAUTIFUL?! SINONG NILOLOKO MO HA?!]
SHATTAP! AKO AY ISANG DIYOSA! TALBOG KA SA AKING BEAUTINESS!
[Neko-chan: K. Whatever. Liars go to hell.]
CHE! Tumahimik ka na nga lang! Panira ka ng moment eh! Nasaan na nga ba ako?
[Neko-chan: Nasa Earth]
=_____= ISA!
[Neko-chan: DALAWA! Anong akala mo sakin? Tanga? Marunong rin ako mag-bilang noh!]
Itikom mo na nga lang yang bibig mo! I'm explaining here!
Yan, very good. Balik tayo dun sa aking pinakaminamahal na bagay sa aking 16 wonderful and beautiful years of existence. Ang 88 keychain ko. Ganito kasi yun, may nakakilala akong bata noong maliit pa ako. Siya ang naging pinaka-una kong kaibigan. Siya ang pinakaunang tao na naka-diskubre sa aking existence maliban nalang sa pamilya ko. Tahimik lang naman kasi ako noon at walang kaibigan. Mahiyaan kasi ako nun eh.
Mula ng nagkakilala kami, siya na ang naging best friend ko. Palagi ko siyang kalaro at palagi akong naging masaya. Siya ang rason kung bakit ako ganito ngayon. Tinulungan niyang i-improve ang sarili ko.
Pero isang araw ay nag-kita kami sa playground kung saan kami palaging nag-lalaro, nag-laro kami as usual pero bigla nalang siya tumigil. Sinabihan niya ako na naging boring na daw ako kalaro at sawang-sawa na siya sa mukha ko. Umiyak ako at may hinagis siyang keychain bago umalis sabay sabi ng nakakairita daw ang pag-mumukha ng mga taong umiiyak.
Pero hindi ako nagalit sa kanya. In fact, nag-pasalamat pa ako na naging kaibigan ko siya. Na kahit pineke man niya ang pagiging mabait sakin, at least na-improve ko ang sarili ko. Nag-karoon ako ng ibang kaibigan at hindi na ako malungkot.
Itong keychain na toh ay ang nag-papaalala sa akin sa batang lalaki na yun. Nakalimutan ko na ang pangalan niya, hindi ko naman makakalimutan ang pag-mumukha niya. Pero ewan ko lang kung marerecognize ko pa siya ngayon. Maliit palang kami noon at siyempre lumaki na siguro siya, nag-iba ang itsura.....gumwapo......
Ay, oo nga pala. Nakalimutan ko sabihin na si 88 nga pala ang first love ko > / / / < Ma-iinlab ka rin dun kung nakilala mo yun noh! Gwapo, mabait, matalino, matulungin....
Bumukas bigla yung pintuan. Nako! Panira naman yan ng moment!
"Sophia?" tinignan ko yung lalaking pumasok sa kwarto ko.
"BAKIT MAY GORILLA DITO?! O.O"
Binatukan ako ni Rence, ang aking dakilang bestpren "GORILLA?! Sa gwapo kong toh?! Kailangan mo na yata mapa-tingin yang mata mo!" Nakalimutan kong sabihin na mahangin siya. As in. Pinaglihi po siya sa air-con at sa pinaka-malakas na electic fan sa buong universe.
Si Rence nga pala ang naging bestfriend ko ng umalis si 88. Isa siyang weirdo na baliw na mahagin na may pagka-nerd pero gwapo. Teka lang....GWAPO?! WHAT THE FUDGE?!
"END OF THE WORLD NA!!!!!"
Binatukan ako bigla ni Rence. "Hoi babae! Ano nanaman yang drama mo diyan? Pinakain ka nanaman ng chocolate noh?"
"How did you know?! O.O"
"Obvious naman eh =_____= By the way.....parang ngayon ko lang napansin yang keychain na yan ah? Binili mo?"
Aw shiz. Nakita ni Rence ang aking precious keychain. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya yung tungkol dito. Wala lang, gusto ko kasi na ako lang ang nakaka-alam tungkol sa keychain na toh. My own private little secret kumbaga. Pero mukhang may ka-share na ako sa secret na ito, kailangan ko sabihin kay Rence. Best friend ko naman eh.
"Umm.....ganito kasi yun. Matagal na sakin tong' keychain na toh eh. Di ko lang nasasabi sayo kasi dapat sakin lang tong' secret na toh eh. Pero since, best friend naman kita at ayokong mag-sinungaling sayo....sasabihin ko nalang ang kwento ng aking kabataan~"
"Drama mo. OK na sa akin yung explenation mo na secret mo lang dapat yan. Heram ako PSP ah!"
Problema nun? -____-"
![](https://img.wattpad.com/cover/1069708-288-k131285.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)
Fiksi RemajaOnce upon---- Yan nanaman? Gasgas na yan eh! Ibahin natin ang fairytale na toh. Scratch that. This isn't a fairytale. This is a story. *curtains open* "I met him. He's number 88." Dito nag-simula ang lahat.