Search no. 21 To the amusement park! *Part 2*

96 1 5
                                    

Neko-chan: Ito na! Ang nakaka-kilig at siguro ay heart-breaking rin na part 2

HAPPY 400+ READS!!!  FREE HUGS!! \ ( ^ ___ ^ ) /

Sophia: Sino namang may gusto mag-hug sayo =____=

AKO! Bakit ba? Diba natutulog ka pa? Chupi!

Enjoy~~~

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Sophia's P.O.V.)

Zzzzzz..........ang lambot ng unan ko........niyakap ko yung unan ko...........wait lang..........parang may arms yung unan?..................ha?.....................tumatawa rin yung unan?...................nasaan ba ako?.......

Binuksan ko yung mata ko. Tapos nakita ko.........

NA SI XAVIER PALA YUNG NIYAKAP KO?! > / / / / <

"OI! IKAW!!! NASAAN AKO?!?!?! O / / / O ", da eff? Pinag-tawanan lang ako?! =_____=

"Aray!", binatukan ko kasi siya. Na-realize ko rin na, na sa loob ako ng isang kotse. "Wag mo nga ako pag-tawanan =_____= Bakit pa tayo na sa loob ng isang kotse?"

"ARAY!", ako naman yung binatukan niya = ______ = "Lola ka na ba? Kanina excited na excited ka na umalis tapos ngayon nakalimutan mo na? Tsk, tsk.", wha-? Wait lang........

naalala ko na!! Pupunta nga pala kami sa amusement park!!! "Nandito na tayo? ^ ____ ^ ", yaaaay!! Gusto ko na sumakay sa rides!!!!", tapos tinulak-tulak ko siya. Tinawanan lang niya ako, "Alam mo, ang gulo mo! Tara na nga!", tapos binuksan na niya yung pintuan ng kotse habang hinihila ako.

Pagka-baba namin ng kotse nakita ko ang isang napaka-gandang amusement park. Maraming ilaw, shops, kainan, tsaka syempre, RIDES! Mag-gagabi na rin kasi kaya ang daming ilaw. Mga 6:00 na siguro kami nakarating dito. "Saan tayo unang pupunta?", tanong ni Rence. Tapos nag-lakad na kami. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

Hindi ko na tinanggal.

[Neko-chan: OK, ako si singit. Epal ko noh? Gusto ko lang sabihin na yung pic sa gilid yung amusement park na pinuntahan nila. Pero meron rin talagang place na ganyan. Isa po itong place sa Sweden. Na hindi ko napupuntahan. Katulad ng cafe sa tokyo. Pero gusto ko puntahan.]

.....................

Marami kaming nasakyan na rides ni Xavier. Katulad ng bumper cars na para kaming ewan na nag-hahabulan. Yung roller coaster, kung saan tumili - tili ng parang babae si Xavier tapos pinag-tawanan ko siya. Ngayon, kumakain kami sa isang resto. Ang saya naman ng part ng araw ko na toh. Ng natapos na kami kumain, binayaran ni Xavier yung bill tapos nag-lakad na ulit kami. Habang lumalakad, hinawakan ulit niya yung kamay ko. Shet. Parang kinikilig ako. Kanina pa kasi yan naka-hawak sa kamay ko eh. Kanina pa kami nag-tatawanan at kung ano-ano pa.

Crush ko na kaya siya?

Crush lang naman. A small, tiny, crush. "Ui, Alice. Punta tayo doon oh!", tapos may nilapitan kaming isang malaking building. Binasa ko yung nakasulat doon sa taas. "HAUNTED HOUSE O.O ?!", shete! Ayaw ko diyan!!! Takot ako sa dilim! At mas takot ako sa multo!!! "Oo! Masaya diyan!!", tapos hinila niya ako papunta doon.

(Xavier's P.O.V.)

Haaaay, ang saya! Ang saya pala kasama ng babaeng toh! Crush ko na nga talaga siya.

"Ui, Xavier. Wag nalang tayo diyan >.< ", sabi ni Alice. Haunted House ang susunod namin na pupuntahan. "Bakit? Takot ka noh?", tanong ko sa kanya. "H-hindi ah! Tara na nga", tapos hinila niya ako. Pfft XD Takot lang siya pumasok eh. Takot pala si Alice sa multo. Hehehehe. Pag pasok namin sa loob biglang kumapit sa braso ko si Alice. Natawa ako. Takot na takot talaga siya. Parang nanginginig pa yata siya eh. "H-hoi! Wa-wag m-m-m-mo nga ako p--pa-pagtawanan! > . < ", takot na takot talaga siya. Nakapikit pa nga siya eh. "Hoi. Madadapa ka diyan sa ginawa mo!", nagulat ako ng bigla siyang tumigil sa pag-lakad tapos binuksan niya yung mata niya.

Tumingin siya sa paa niya tapos biglang humigpit yung kapit niya sa braso ko. Tapos.......

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!", bigla siyang tumili = ____ = Tinignan ko yung paa niya. May kamay na naka-kapit doon sa leg niya. Maya-maya binitawan na siya ng kamay tapos biglang napa-upo si Alice sa sahig. Hala. Grabe pala yung takot nito sa multo. Umupo na rin ako sa sahig tapos nakita kong nanginginig siya. No choice.

Kinarga ko siya. Yung ano, parang.....ano tawag doon? Bridal style?

Nagulat naman siya bigla, "O-oi! X-xavier! I-b-b-baba m-mo ako!!" Ibaba ko daw siya. Pssh. Nanginginig pa siya eh. "Hindi. Ibababa kita kapag nandun na tayo sa exit.", nanahimik lang siya. Grabe pala yung takot nito sa multo eh. Dapat sinabi nalang niya kanina para hindi na kami pumunta pa dito.

.........

Pag-kalabas namin, napansin ko na pulang-pula na pala yung mukha ni Alice. Hahahahaha, ang cute. Binaba ko na siya. "Th-thank you > / / / < ", binatukan ko siya. "Shongeks ka talaga! Dapat sinabi mo nalang na takot ka sa multo para hindi na tyo pumasok doon!", namumula lang siya doon. "Eh aasarin mo ako eh > 3 < ", sasagutin ko na sana siya. Ng may bigla aokng nakitang.....

isang babae......

si Louise.........

kasama niya si Kyle......

Ng nakita niya ako kinausap muna niya si Kyle. Umalis si Kyle habang si Louise naman, lumapit sa amin.

"Xavier!", sabi niya tapos niyakap niya ako. Sh*t. Ano ba problema ng babaeng toh? Pero hindi ko napigilan sarili ko.

Niyakap ko rin siya. "Ui, hindi ka na nag-paparamdam sa amin ah!", sabi niya na parang walang nangyari. Na parang hindi naging kami. Na hindi niya ako pinag-laruan. Na hindi niya ako sinaktan.

"Ah. Eh.......busy eh. Hahahaha.", pilit yung tawa ko. Bumitaw na siya sa pag-yakap. "Alam mo na-miss kita!", sabi niya sa akin. Kung alam mo lang Louise. Mas na-miss kita.

"Umm......excuse me. Uh, aalis na ako.", narinig ko na may biglang nag-salita. Tinignan ko kung saan nanggaling yung boses.

Si Alice.. Parang umiiyak yata siya. Pag-kasabi niya nun bigla siyang tumakbo palayo. Sh*t. Nakalimutan ko na nandun pa pala siya. Hindi ko na siya napansin kasi sobrang abala ako kay Louise. Hahabulin ko sana si Alice ng biglang hinawakan ni Louise yung kamay ko. "Wag ka muna umalis......please?", sabi niya.

Hindi ko na hinabol si Alice. Masama na kung masama, pero wala akong magagawa.

Mahal ko parin siya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Neko-chan: PATAYIN SI XAVIER!!! ISA KANG MANLOLOKO!!! IHAGIS SA BANGIN!

Pero hindi ko naman pwede gawin yun diba? Sayang naman, onti nalang yung gwapo sa mundo.

Wag niyo po akong patayin dahil kay Xavier. Si Louise nalang po patayin niyo. SIYA ANG SALARIN!

Anyway, abangan niyo nalang ang aking susunod na UD baka hinulog na si Xavier sa isang bangin.

P.S. Sorry po kung may mga spelling errors. I'm so sorry T ^ T

Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon