(Sophia's POV)
Loading.....
Loading......
Loading......
Xavier's speech = Totally unexpected
Pagka-sabi ni Xavier nun ay nanahimik lang ako. Iniisip ko kung ano yung reply ko. That was veeery weird for me. Seriously. First time palang yata nagkaroon ng taong nag-sorry sa akin na pinapaniwalaan ko. Ewan ko kung bakit pero sa tingin ko, sincere talaga siya sa sinabi niya.
Tumayo si Xavier at habang naka-talikod ay hinila na ako patayo at kinalad-kad ako.
Putek. OK na eh. Ang ganda na ng speech niya eh. Panira naman tong' pagkalad-kad niya sa akin. Pucha, hindi ba niya aalamin kung ano yung sasabihin ko?
Well actually wala pa akong naiisip na sabihin eh XD
"Oi. Saan mo ba ako dadalhin ha? Dinala mo na nga ako dito at kinalad-kad ng walang permisyo tapos hindi mo nanaman sasabihin kung saan mo ako dadalhin?!", sabi ko habang papunta kami sa who knows where.
"Wag ka nga lang makulit Alice. Doon tayo sasakay oh!", tapos may tinuro siyang roller coaster. And by roller coaster, I mean death coaster. Alam niyo yung roller coaster na maraming ikot-ikot, loops na babaliktad ka at isang sobrang taas na part na abot ka na sa langit.
Yeah, ganun yung roller coaster na tinutukoy ni Xavier.
"OI!! AYOKO! AYOKO DIYAN!! KUNG GUSTO MO DIYAN, SUMAKAY KA NALANG MAG-ISA!!!", sabi ko habang hinahatak yung kamay ko. Pucha, ang lakas talaga ng lalaking toh! Ayoko doon!! Gusto ko pa mabuhay ng matagal!!
"ANG INGAY MO! Wag ka ngang sumigaw! Pinag-titinginan tayo ng mga tao!! Tsaka sa ayaw mo at sa gusto mo, doon tayo sasakay", sabi naman niya sa akin. Shetness tong' lalaki na toh! Kung papatayin lang pala niya ako, sana sinaksak nalang niya ako instead na pinapasakay niya ako sa nakakatakot na roller coaster na yan!
Ng nakarating na kami sa pila para sa death coaster, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Para daw hindi ako tumakas. Ano ako, aso?! = ___ = Binitawan na niya yung kamay ko kasi sasakay na kami. Shemay. Hindi pa ba pwede tumakas?!
"Xavier, kapag ako namatay dahil sa takot, mumultuhin kita! At hindi lang yun. Ako mismo ang hahatid sayo sa impyerno!!", sabi ko sa kanya ng naka-sakay na kami doon sa roller coaster. Sheeeet! Baka maka-ihi ako sa panty ko sa kaba!!!
Tinwanan niya naman ako. "Wag ka na ngang mag-alala. Diba sabi ko sayo nandito lang ako?", tapos hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit. Ganyan na pala yung bagong strategy ngayon? Kapag natatakot ang isang tao, i-try pakiligin? Well sorry siya! Hindi ako kinikilig! Medyo lang!
Ng nag-simula nang gumalaw yung cart ng roller coaster of death na sinasakyan namin ay todo chant ako, "Lord, ayaw ko pa po mamatay. Lord, ayaw ko pa po mamatay. Lord, ayaw ko pa po mamatay." Habang si Xavier naman ay tinatawanan lang ako. Tangenang lalaking toh. Kung hindi lang kami naka-sakay dito ngayon, kanina ko pa siya nabatukan = ____ =+++
.......
OMIGOSHOMIGOSHOMIGOSH. UMIIKOT ANG AKING PANINGIN. SHETE!! BAKIT BA KAILANGANG BALI-BALIKTARIN KAMI DITO?!?!
"LORD HELP ME!!!!", sigaw ko. At alam niyo kung anong ginawa ng katabi ko? Naka-hawak lang naman siya sa kamay ko habang tinatawanan ako. Chumachansing na nga siya tapos inaasar pa niya ako! Lagot talaga siya mamaya = ___ =
.......
SHEEEET!! ITO NA!! THIS IS THE END OF ME!! NA SA PINAKA-TUKTOK KAMI NGAYON NG DEATH COASTER NA ITO!! Ikaw na po bahala sa akin Lord. Kita-kits nalang tayo diyan TT ^ TT
![](https://img.wattpad.com/cover/1069708-288-k131285.jpg)
BINABASA MO ANG
Welcome to Wonderland (UNDER MAJOR PROOFREADING)
Teen FictionOnce upon---- Yan nanaman? Gasgas na yan eh! Ibahin natin ang fairytale na toh. Scratch that. This isn't a fairytale. This is a story. *curtains open* "I met him. He's number 88." Dito nag-simula ang lahat.