Chapter 1

9.2K 225 34
                                    

Matagal-tagal na rin mula ng umalis ako samin at hindi na mansion ang tinitirhan ko, kundi ang munting silid na dati tambayan ko lang kapag ayaw ko pang umuwi pagka tapos ng klase. Noon sa malambot at makapal na kutson ako natutulog, with fully air conditioned room, ngayon isang luma at manipis na kutson na lang ang tulugan ko, natututukan ng lumang electricfan na dati ng gamit namin ni Lola Marta.

Marami ng nag bago sakin, sa buhay ko, sa paniniwala ko, isa na ang pakawala ng dating takot ko sa multo, kasi tong kwartong to, tong kamang to, dito ko natagpuang patay si Lola, pero hindi naman nya ko minumulto. O kung totoong may multo baka yakap nya ko sa gabi, ina alo nya ako, para maka tulog ako ng mahimbing at ginigising sa umaga para hindi ako mahuli sa trabaho. When I left kasi I only pick the things na hindi galing sa pamilya ko, kinuha ko lang yong mga regalo sakin ng mga kaibigan ko, ninong at ninang ko at ng ibang tao, iniwan ko lahat ng galing sa kanila, baka kasi isipin nila na ninakawan ko sila, kasi diba nga im a no body? Kung pwede nga lang paltan ang pangalan ko, pina paltan ko na rin sana.

It's another day of work, I'm working at a food court somewhere in cubao, hindi naman na liligaw dito sina dad at never ditong maliligaw ang mga kapatid ko. Sosyal ang mga yon eh, hindi kumakain sa turo-turo, hindi kumakain sa mga cheap na kainan na tulad ng pinag ta trabahohan ko. Ang init ng panahon ngayon, naka dagdag pagod, nakaka sira ng ganda! Kaya naman hindi ako maka paniwala ng...

"Jones, hindi mo ba na pa pansin kanina ka pa tinitignan nong gwapong guy don sa may mesa malapit sa haligi." Bulong sakin ng katrabaho kong si Nona.

"Gwapong guy? Juice ko Nona! mag aano ang gwapong guy dito eh puro trabahador ang kumakain dito, saka tigilan mo nga ako at istorbo ka sa niluluto ko!" Sabi kong bahagyang itinirik ang mata at nag kunyaring na aasar, kasi sa totoo lang bulag tong si Nona eh! Paki tingin sa duling gwapo!, sa puro tigidig gwapo! Sa mukhang kabayo gwapo! Basta tignan at kindatan sya gwapo na sa paningin nya.

"Seryoso! Gwapo talaga, parang artista!" Kinikilig na sabi ng bruha sabay kurot sa tagiliran ko. Kainis! Ang lakas ng kiliti ko dyan! Muntik na tuloy akong matikwangan ng kawali.

"Asan! Alin?! Alin ang sinasabi mong gwapo alin dyan?!" Sambakol ang mukhang sabi ko, at nang ituro nya sakin, na wish ko na sana hindi na lang ako tumingin. Ayokong makita ang kahit na sino sa kanila, kaya nga kahit pwede akong mag sales lady sa mall o sa matinong fast food mag apply, pinili ko dito sa food court na turo-turo kasi ayaw kong makita ako ng kahit na sinong kamag anak ko, kaya anong ginagawa ng kapatid ko dito?!

"O diba ang gwapo?" Kinikilig na sabi ni Nona, natural gwapo yan! Kapatid ko kaya yan! Oppss hindi na pala!

"Gwapo ba yan?! Ay naku ang pangit! Layas na nga at nag luluto ako, mamaya mapagalitan nanaman tayo ni aling bebang!" Sabi ko sabay talikod at balik sa trabaho ko, sakto nag break time na ang mga trabahador sa ginagawang mga building sa paligid kaya naging busy kami, akala ko umalis na sya, kaya nagulat ako ng...

"Indie, can we talk?" Napa tigil akong bigla sa pag dampot ng mga pinagkainan, saka.

"H-hello sir, may kailangan po kayo?" Kunyari di ko sya kilalang tanong ko, napa kunot noo bigla si Alfie at di sya agad naka imik kaya.

"Wala naman po pala kayong sasabihin, kaya kung pwede po umalis na kayo, na aabala nyo ang trabaho ko eh." Sabi ko pa, sabay ngiti, ngiting aso saka tumalikod na ako at dinampot ang mga plato.

"Indie, umuwi ka na, nag aalala si mommy sayo eh." Biglang sabi nya, na pa buga ako ng hangin, at gusto kong matawa sa sinabi nya, kaso di naman na kakatawa kaya...

"Malamang nga nag aalala na yong mommy mo sayo, kaya sir sige na umuwi ka na, baka makagat ka ng lamok dito ma dengue ka pa." Puno ng sarkasmong sabi ko, sabay bagsak ng plato sa ibabaw ng isa pang plato.

A Love To Call My OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon