Chapter 10

7.7K 157 15
                                    

St. Petersburg, Russia

Para kay Indie/Martina/Mattie, Russia ang pinaka paborito nyang bansa sa kabila ng hindi ganon kagandang, reputasyon nito pag dating sa pulitika. She likes Russia's colorful yet bloody history, she loves the buildings and architecture, she loves the culture and most off all she loves the museums, like the Hermitage Museum where they house a vast collection of wonderful paintings, some of them from the founding fathers of art like Da Vinci, Picasso, and Rembrandt. They say it would take eleven years to see all of the exhibit, kaya naman pag daong na pag daong palang ng barko ay excited na syang bumaba, pero bahagya syang nadismaya ng makita nya ang makapal na bilang ng taong gusto ring mag si baba. Naisip nyang huwag na lang makisabay sa mga ito, kaya sukbit ang pulang backpack nya na nag lalaman ng ilang pares ng bihisan at hawak sa kamay ang isang leather jacket ay muli syang nag lakad pa balik sa loob ng barko, and decided to eat breakfast first. Habang nag lalakad pa punta sa isa sa sa mga restaurant ay namataan nya si Mitch, who seem to be in heated conversation with a man and a woman. Nilagpasan nya ang tatlo at nag tuloy-tuloy sya sa loob at kumain.

Hours later, matapos bumaba ng dalaga sa barko at ma clear sa immigration ay tumuloy sya sa isang hotel at nag check in, kahit pwede namang mag uwian sya sa barko. Kaso dahil tatlong araw lang ang itatagal nila sa Russia, kesa mag aksaya ng oras sa pag pasok at pag labas sa immigration ay pinili nya na lang na manatili sa hotel para ma maximize nya ang oras. Matapos mag check in ay iniwan nya lang sa silid nya ang back pack nya at bitbit ang camerang muling lumabas at tinungo ang museum. She spend the whole day checking out as many paintings as possible at lumabas lang sya ng mag sara na ang museum.

Nagugutom na nag hanap sya ng makakainan at matapos kumain ay muli syang nag ikot-ikot, nang mapagod ay saka lang sya nag pasyang bumalik sa hotel nya at namahinga. Matapos ang halos tatlong oras na pahinga ay na ligo sya at nag bihis. She's not wearing anything special, she's not here to hook up with someone so wearing a plain white shirt under her favorite black leather jacket, an old distressed denim and the same leather boots she wears everyday na puro gasgas na at halatang gamit na gamit ay muli syang lumabas para pagmasdan ang ganda ng syudad sa gabi.

With all the city lights lit up, St. Petersburg looks more enchanting at night. Pinag sawa nya ang mga mata sa ganda ng paligid at manaka-nakang kumuha ng mga larawan. She wants to capture its beauty and maybe one day, transfer them on canvass. Though tulad ni Enrico at isa syang figurative artist, mas gusto nyang iguhit ang mga tao, mas gusto nyang ilipat sa canvass ang ekspresyon at emosyon ng mga ito.

She went as far as she could go and took as much photos as possible, bago sya tumigil at nag hanap ng makakainan. She found a restaurant serving traditional dishes. Thought Russia is known to not having much good food, pinili nyang pumasok sa nasabing restaurant at doon kumain. Ugali nya ng kumain ng national dishes ng bawat bansang puntahan nya, parte iyon ng pag galang nya sa kultura at tradisyon ng mga bansang na dalaw nya. Matapos kumain ay sa isang vodka bar naman sya dinala ng mga paa. This bar is known for having the most number of vodka in all of Russia. As expected crowded ang lugar, pero okay lang, hindi naman sya mag tatagal, hindi naman kasi sya ganon ka lakas uminom.

It happened that a good rock band was playing that night, kaya imbes na umalis sya agad ay nagtagal pa sya sa bar, kahit di sya masyadong umiinom. Like her love of art, she also loves music and she's a sucker of good rock music or should we say good to her ears? Isa sa mga dahilan kung bakit hindi sya ma gets ng mommy nya noon. While her mom likes anything feminine and soft tulad ni Scarlett, sya naman puro bold, loud and quirky, anything that opposes what her mom and sister stood for.

Malalim na malalim na ang gabi ng maisipan nyang lumabas ng bar at mag lakad pabalik sa hotel na tinutuluyan nya. Okay lang naman kasi marami-rami parin namang taong nag lalakad sa labas at maliwanag ang mga daan, palibhasa nga tourist district. Malayo-layo na ang na lalakad nya ng mapa daan sya sa isang bar at maagaw ang pansin nya ng isang lalaking naka tukod sa pader ang mga kamay at nag susuka, lalagpasan nya na sana ito dahil di nya naman halos kita ang mukha ng marinig nya itong mag mura sa wikang bibihira nya ng marinig mula ng pumanaw si Enrico. Na pa tigil syang bigla at muling nilingon ang lalaki na saktong inalis sa pagkakatukod ang isang kamay sa pader, dahilan para tumampad sa mga mata nya ang bahagi  ng mukha nitong nakukubli ng braso nito kanina. Napa kunot noo sya ng makilalang si Mitch ang lalaki, dala ng pagiging kapwa pinoy nag dadalawang isip man ay napilitan syang lapitan ang ito. And she was surprised to see him crying, mumbling words she couldn't comprehend dahil sa kalasingan nito.

A Love To Call My OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon