Chapter 40

6.4K 138 34
                                    

I don't want to admit it pero napa hiya ako, I felt like my face gone numb after hearing Indie's out burst, I never thought she could do that to me, kasi back then, kahit na anong pambu bully ko sa kanya, hindi nya na ko pinapansin or bibigyan nya lang ako ng masamang tingin. She was never violent I know, but earlier I thought she would strike me, I was actually expecting she would do it, I was somehow hoping that it would wake me up from my own insanity, but instead she has that annoying calmness that I never learned to do. She's so composed, so dignified, so sure of her self, that she even manage to look me straight in the the eyes, very far from that Indie I know na laging naka yuko at nag sawa ng ipagtanggol ang sarili. Ayokong aminin pero na iinggit ako sa kanya, nagawa nya kasing baguhin yong sarili nya, malayo na ang narating nya, habang ako, heto, dati parin.

Ayoko ring aminin to, pero tama sya, we are too old to get jealous of each other, pero hindi ko kasi maiwasan, ang layo layo nya na kasi sakin. Her life looks perfect, she has beautiful children, a handsome man who looks like he's head over heels in love with her that when he looks at her, his eyes twinkles at para bang pag nawala sya, mawawalan din ng sigla ang makikislap na mga matang yon. While me, my life is a big mess and I still don't know how to fix it. I have a man who only stays with me because of this baby na kahit gusto kong buhayin, hindi pwede kasi ako naman ang mamamatay. I have a man na iba ang itinitibok ng puso, at hindi ako matignan ng may pagmamahal. All I can see in his eyes is rejection and sympathy when he looks at me. Awa, awa lang ang kaya nya saking ibigay, dahil ang puso nya, naka kulong parin sa kahapon at tumitibok parin para sa kapatid kong matagal na raw syang nalimot.

Yes, she said she have moved on and maybe it is true, kasi she looks happy naman nang talaga that when you look at her she seem to glow. Pero anong silbi ng pag mo move on nya kung si Jacko hindi parin maka move on, hindi parin sya malimot at hanggang ngayon sya parin ang mahal, kahit ako ang kasama nya? Ako na halos sambahin sya, ako na hindi kayang mabuhay ng wala sya. Sabi ni Indie ibaon na namin sa limot ang kahapon, pero pano ko ibabaon sa limot kung araw-araw, gabi-gabi akong minumulto ng kahapon at pina aalalahanan na naka gawa ako ng mali? I don't know if it's just my imagination, pero pakiramdam ko kasi she's planning to do something to me, that she's back to take revenge on me.

She said for mom and dad's sake kalimutan na namin ang lahat, she's said she truly wants us to be friends, I wanted to believe her, pero ikaw ba kapag ikaw ang ginawan ng masama makikipag kaibigan ka pa rin sa taong yon at hindi mo sya gagantihan? Diba hindi? She said I have a dirty imagination, pero ikaw ba hindi dudumi ang imagination mo kung makita mo yong mahal mo na nakikipag bulungan sa ex nya na alam mong mahal nya pa at ngumingiti sya na tila masayang masaya? Hindi mo ba iisipin na may pinag-uusapan silang kakaiba na baka may pinaplano silang gawain sa likuran mo? I don't want to be paranoid, pero hindi ko mapigil ang mag isip ng mga negatibo, hindi ko mapigil na hindi mag -isip ng hindi maganda.

Ayaw ko rin naman sanang i provoke sya eh, wala sa plano ko ang makipag away, kaya lang yong alalay nyang tagapag -alaga ng mga anak nya, nakakainis. Ang tigas ng mukha at ang tabil ng dila, ang sarap sabunutan. Unang kita ko pa lang sa kanya na alibadbaran na ko kagad, ang epal kasi, feeling sya ang nanay ng mga pamangkin ko kung maka eksena at kung maka pag bantay para bang akala mo may gagawin akong hindi maganda sa mga bata eh na aaliw lang naman ako kasi ang ku cute nila, especially that little boy, who looks like dad lalo kapag ngumingiti. Maybe I'm not in good terms with their mother pero im not that bad naman para idamay sila sa issue namin ng nanay nila, though hindi ko maiwasang masaktan kapag tumitingin ako sa kanila kasi they are becoming a constant reminder na kapag tenerminate ko ang pregnancy ko, kailanman hindi na ko magkaka anak. I don't know, pero I have this feeling na pina parusahan ako ni Lord kasi I been very bad to Indie.

A Love To Call My OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon