Chapter 7

7.3K 193 17
                                    

My name is Drake Mitchell de Vierre, I came from a prominent family of businessmen, we have various holdings and shares in and out of the country. Hindi sa pag mamayabang, pero even without my family behind me, my name alone means something in Asia if not the world when it comes to business. I'm a good businessman, I don't play dirty, I'm a good employer, I'm a good son, I'm a good father and moments ago I thought I am a good husband. But it seems like I'm not, because here I am, my wife just dropped me like a hot potato after our over a decade of I thought perfect marriage.

What I did wrong? I don't know, kasi ang alam ko, ibinigay ko naman lahat sa kasal na to, sa pag sasama namin, sa kanya na asawa ko, sa mga anak namin. Pero bakit ganon nag sawa na daw sya? Bakit na pagod na daw sya? Saan sya nag sawa? Sa mga party ba na buwan-buwan nyang ginagawa o kaya ay linggo-linggong dinadaluhan? Sa pag lulustay ba ng perang hindi nya naman pinag paguran? At anong nakaka pagod sa pagiging asawa ko? Nakaka pagod bang maging asawa ng isang lalaking tulad ko na meron ng lahat? Na kakapagod bang mahalin ng isang tulad ko na handang ibigay ang lahat at i alay sa mga paa nya? Nakaka pagod bang mag buhay reyna na pinag sisilbihan ng mga alipin? Ano pa bang kulang sakin para ipag palit nya ko sa iba? Para iwan nya kami ng mga anak nya? Hindi ko alam, kasi ang alam ko nasakin na ang lahat at ibinigay ko sa kanya ang lahat lahat sa akin, ang pag mamahal ko, ang atensyon ko, ang kaluluwa ko, ang lahat ng kayang ibigay ng pera,pero bakit ganon hindi parin sapat?

How can she say na hindi sya masaya? Hindi ko ba sya na pa saya? Dahil ako naging masaya ako sa pag sasama namin, naging masaya ko sa kanya, sa mga anak namin, sa buhay na meron kami. And how can she say she needs freedom? Hindi ko naman sya ikinukulong, malaya syang pumunta sa lahat ng gusto nyang puntahan at gawin ang lahat ng gusto nyang gawin, kaya nya nga nagawang umalis at mag tago sakin, samin ng mga anak nya ng dalawang taon. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari di sana hindi ko sya hinayaang umalis. Kaso hindi eh, hindi ko alam, maayos naman kasi ang paalam nya sakin, sabi nya, she will go visit her sister for a month or so, so I let her, then she had to extend, and extend and extend, and the next thing I knew ayaw nya ng umuwi, so I came to pick her up only to find out she was not there and I been searching for her ever since and now that I found her ganito pala, kung alam ko lang sana hindi ko na lang sya hinanap, sana hindi ako na sasaktan ng ganito, kasi sa totoo lang masakit malamang tinatapos nya na ang lahat sa amin at masakit malamang may iba na sya, habang ako umaasang babalik sya, nakaka durog ng pagkalalaki, nakaka sira ng katinuan.

Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak para ma manhid ang puso ko at mawala ang sakit, mabura ang pait, pero bakit ganon?, hindi ko na mabilang kung ilang baso ang na ubos ko pero nandito parin sa ang sakit, hindi ma alis-alis. Naisip kong tumalon sa dagat at magpalamon sa dambuhalang mga alon, pero papano ang mga anak ko? Masyado pa silang bata para mawalan ng ina at ama. Papano ang mga anak ko na umaasang pag balik ko kasama ko ang kanilang ina? Makakaya ko bang sabihin na ayaw na samin ng ina nila? Na nag sawa na sya sa amin? Na na pagod na sya? At higit sa lahat, papano ko sila pa lalakihin ng mag -isa?

Dianne is only ten, napaka bata nya pa para tumayong ina sa kapatid nya. Draco is only six and constantly asking for his mother. If I leave too, papano sila mabubuhay? Papano nila kakayanin ang mag -isa?

Samantala sa isang sulok ng bar ay tahimik na naka upo at nag mamasid sa paligid ang isang babae, tahimik na minamasdan ang paligid nya habang marahang sumisim ng inumin sa hawak na babasaging kristal. The bar is crowded, it's the usual scene sa ganitong mga cruise at sanay na sya doon, hindi naman kasi ito ang unang beses na sumakay sya sa barko at nag layag. Pang ilang ulit na ito sa loob ng limang taon at masasabing sa ilang ulit nyang pag sakay, ngayon lang sya hindi nag enjoy. Kung sabagay hindi naman kasi pag sasaya at pag liliwaliw ang dahilan ng pag lalayag nya ngayon kundi pagbababang luksa.

Unang taong anibersaryo ngayon ng pagkamatay ng taong nakasama nya sa nag daang apat na taon. Ang taong nag silbing kanlungan nya sa loob ng apat na taon, at tumayong, guro, mentor, kritiko at higit sa lahat isang mabuting kaibigan.  It was Enrico Herrera's wish na itapon ang urn na nag lalaman ng mga abo nito sa karagatan, kahilingang tinupad nya, kahit na mas gusto nyang iuwi iyon sa Pilipinas at ihimlay sa tabi ng namayapa nitong inang walang iba kundi si Lola Marta.

Ang babaing ito ay walang iba kundi si India Rose Z. Mondragon, ang nag iisang taga pag mana ng yaman ng mga Hererra. It was Martha Hererra's wish na mapunta sa kanya ang lahat ng yaman nito, na binubuo ng mga shares sa ilang malalaking negosyo, mga alahas, salapi, ilang mga sasakyan at isang lumang Mansion sa Quezon City sampo ng mga kasangkapan, at kung ano-ano pa sa loob ng nasabing tahanan, kagaya ng collection nito ng ibat -ibang likhang sining.

It was also Martha Hererra's wish na mapa sa ilalim sya sa pangangalaga at pag gabay ng nag iisang anak nitong si Enrico Herrera sa larangan ng pag pipinta at pag guhit. Enrico Herrera was a master figurative painter, na nagkamit na ng ibat -ibang parangal sa nasabing sining at tinitingala hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo sa nasabing larangan. His works are one of the most sought after paintings in Europe, kung saan sya naka base at sinawing palad na magkasakit, kaya naman hindi nya magawang umuwi ng Pilipinas at puntahan ang ina o umuwi para sundin ang kahilingan nito, kaya naman si Indie ang nangailangang umalis ng bansa para puntahan at makilala si Enrico.

Enrico used his remaining years teaching her all the strokes and techniques when it comes to painting and art dealership, hanggang tuluyan itong igupo ng karamdaman. Pero bago ang lahat, na gawa sya nitong ipakilala sa mga kakilalat kaibigan nito sa loob at labas ng mundo ng sining. She was introduced as his daughter Martina Herrera. Enrico is gay, pero walang kwomesyon sa pagkakaroon nya ng anak, dahil bukod sa maganda ay isang talented ring painter Ang dalaga, people thought that it was in her blood, kung papanong na kuha ni Enrico ang husay ni Lola Marta sa pag pipinta, na isa ring dating sikat na pintor sa Pilipinas sa kanyang henerasyon.

Kung papaano at bakit pinili ni lola Marta na lumaboy sa lansangan at mamalimos, walang maka pag sabi. Pero ayon kay Enrico it was his mother's way of finding the right person na mapag iiwanan nito ng legacy nilang mag -ina. At sa tingin daw nito ay hindi nagka mali si lola Marta sa pag pili.

Sa loob ng limang taon ay marami ng nag bago sa buhay ni Indie, unang-una na ang pag gamit nya ng pangalang Martina Herrera para maka labas sya ng bansa without her parents consent. Kaya sa Europa kung saan sya namalagi at nag aral ay sa pangalang iyon sya kilala ng lahat. Ka papagtapos nya ng kursong fine arts sa isang prestiheyosong paaralan sa Germany, kung saan sya at si Enrico naka base dahil sa karamdaman nito na sa bansang iyon may pinaka magandang pasilidad sa pangangalaga at gamutan. Sa pag tatapos ng cruise na ito ay naka takda syang mag aral sa pinaka prestiheyosong paaralan ng sining sa buong mundo, ayon sa kagustohan nya at ni Enrico. It was her dream ever since at ngayon, abot kamay nya na ang pangarap nya.

Sa pag papalit nya ng pangalan ay tuluyan nya ring niyakap ang pag babago, malayong-malayo na sya sa Indie na kilala ng lahat, sa Indie na asal kalye at mukhang gusgusin kung itatabi sa mga kapatid nya, sa Indie na nag hahanap ng pansin at pag mamahal. Ngayon, hindi nya na kailangang mag papansin para mapansin, kusa syang pinapansin at nililingon ng lahat. Her striking good looks and confidence is more than enough para mapansin sya ng kahit na sino, her talents alone, gained her so much admirers young or old from every sex and race. But just like lola Marta and Enrico she's still down to earth.

Over the years of caring for Enrico ay unti-unti ring na bago ang damdamin nya para sa mga kapatid at mga magulang. Nang maranasan nya kasi yong hands on na pag aalaga at pag aalala kay Enrico ay na realize nya kung bakit ganon na lang ang pag aalala ng mga kapamilya nya kay Scarlett, yong pag bibigay ng pagmamahal. Kagaya ng ginawa nya kay Enrico, kahit alam nyang wala ng lunas, patuloy syang nag hanap ng lunas, patuloy syang umasa sa himala, at nang walang mangyari, ibinuhos nyang lahat ang pag mamahal at pag aasekaso nya dito, kesihodang hindi nya na ma asekaso ang sarili. Siguro ganon din ang parents nya kay Scarlett, kaya ito ang laging inuuna, para kung sakali na gaya ni Enrico hindi ito malunasan at least alam ng mga itong ibinigay nila ang lahat bago man lang ito mawala.

May plano ba syang umuwi ng Pilipinas? Meron, meron syempre, pero hindi pa ngayon, saka na pagkatapos nyang mag aral, pag na abot nya na ang pangarap nya, pag pwede na syang ipag malaki ng lahat. Pag natapos nya ng ayusin ang lahat ng dapat nyang ayusin. Hindi pa man sa ngayon pero malapit na, malapit na malapit na.

A Love To Call My OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon