Chapter 36

6K 141 27
                                    

Mag uumaga na ng makatulog si Mitch kaya kinabukasan, hindi pa sya magigising kung hindi sya ginising ng dalawang anak. Dahil halos dadalawang oras lang yata ang tulog nya ay nang hahapdi ang mga matang gumayak sya sa pag alis, at dahil pakiramdam nya hindi nya kayang mag maneho, ang driver na ang pinag drive nya pa Tagaytay matapos nyang tawagan sa cellphone si Mattie at sabihing mag kita-kita na lang sila sa isang coffee shop sa Tagaytay. Habang nasa daan ay si Dianne lang ang maingay sa kanila, dahil si Draco naman ay tahimik na nag lalaro ng video game nito. Nang mapuna ni Dianne na tahimik si Mitch ay natahimik na rin ito dahilan para makatulog syang saglit sa byahe, nagising na lang sya ulit ng tumawag si Mattie at sabihing nasa coffee shop na ang mga ito.

Minutes later ay ipinarada na rin ng driver nya ang sinasakyan nilang mag aama sa parking ng coffee shop. Akay nya si Draco at kasunod naman nila ang excited na si Dianne, sa likuran nila ay driver nila at ang dalawang bodyguards ng mga anak at tigisang yaya ng mga ito, na galing sa kabilang sasakyan. Pag pasok nila ay na tanaw nya agad sa isang mesa sina Mattie, kasama si Mary, si Juvy at si Norlito at ang tatlong bata.

"Hi baby, sorry we're late." Sabi nya ng makalapit sabay dampi ng mabilis na halik sa labi ng dalaga.

"It's okay, ma li late rin sina mom eh, so they said don na lang daw sila sa bahay mo dideretso." Anang dalagang bahagyang tumitig sa mukha nya at kumunot noo.

"I did not sleep much last night, excited i guess." Sabi nya, telling her half the truth at akmang may sasabihin pa sya ng...

"Oh my gosh! Dad look she's so cute!" Parang ng gi gigil na tili ni Dianne na ng mabalingan nila ay akmang pang gigigilan na ang chubby at ma mula-mulang pisngi ni Charlotte na busy sa pagkain nito.

"Oh no! Don't pinch her on her cheeks, she doesn't like that but you can hug and kiss her." Maagap na pigil ni Mary.

"Oh? Can I? Talaga?" Tuwang bulalas ni Dianne na bumaling pa sa dalaga, na pa ngiting tumango na lang si Mattie.

"Hello baby! I'm your ate Dianne, gosh you're so pretty!" Hindi na na pigil ang pang gigigil na binuhat nitong bigla si Charlotte at pinag hahalikan sa pisngi. Charlotte being so maharot giggled in delight at lalo tuloy itong pinanggigilan ni Dianne. Na ngingiting minasdan ni Mitch ang magkapatid saka, agad na kinarga si Hugo saka..

"Hi little boy miss me? Did you miss daddy ha?" Anitong bahagyang itinapon sa ire si Hugo humalakhak saka sinalo at pinupog ng halik saka...

"Draco come here o." Aniyang kinambatan ang alanganing lumapit na anak saka...

"He's your little brother, his name is Hugo, you have to be nice to him kasi you know he had a heart operation and he's still recovering."  Masuyong sabi ni Mitch, sumulyap lang si Draco  kay Hugo na para bang na pipilitan lang saka mabilis na inilayo ang hawak nyang laruan ng tangkain iyong kunin ni Hugo.

"Be nice to your brother okay?" Ulit ni Mitch saka masuyong ginulo ang buhok ng anak, tumango lang ito pero hindi umimik. Vladimir got the same reaction ng ito naman ang ipakilala ni Mitch sa anak, habang tipid na hello at mabilis na sulyap lang ang ibinigay nito sa dalaga.

Dianne who can't seem to let go of the super giggly Charlotte greeted them warmly, she and Mary even got a quick hug and a peck on both cheeks, saka nito ginulo ang mahabang blonde na buhok ni Imir, bago sila tuluyang dineadma at nag selfie ng walang hanggan kasama si Charlotte. Na tawa na lang sila ni Mitch ng sabihin nitong ipo post nya sa social media account nya ang photos nilang magkapatid to show her sister off to her friends and most especially to her cousin Sarah na anak ng ate Rebecca ni Simon. Manaka -naka namang sumusulyap si Draco kay Hugo saka agad ring mag babawi ng tingin kapag na pupuna nitong minamasdan sya ni Mattie.

A Love To Call My OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon