Chapter 33

6.8K 160 58
                                    

Bago umalis si Mitch sinabi nitong kina bukasan, the driver bodyguard will arrive together with the sitter na makakatulong ni Mary sa mga bata, ihahatid na lang daw nito sa umaga. Hindi na sya kumontra, na pag usapan na rin naman kasi yon. Pagka alis naman nito ay akala nya naka ligtas na sya kay Mary pero hindi parin pala. Katakot-takot na kurot parin kasi ang inabot nya, dahil hindi naka ligtas sa matalas nitong mga mata ang sangkatirbang iniwang marka ni Mitch sa katawan at leeg nya. She actually saw them in the bathroom mirror sa hotel pa, kaya nga pag uwi nya, puting button down shirt na ang soot nya, kinuha ni Mitch sa stock sa cabinet ng hotel, kasi hindi na rin naman nya pwedeng isoot yong blusa nya kagabi, na punit na kasi yong lace sa harapan, ni hindi nya nga namalayan kung kelan at paano, basta punit na ng makita nya kanina at damputin sa sahig.

"Next time naman neng sabihin mo kay de Vierre dahan dahan at baka maubusan  ka na ng dugo sa tindi nyang sumisipsip!" Sabi pa ni Mary bago sya nito nilubayan sa pangungurot, pulam-pula ang mukhang kagat labing na pa tango na lang sya. Pinandilatan sya nito ng mga mata saka...

"At magpapa next time ka pa talaga! Juice ko India Rose yang rosas mo malamang malanta o kaya malamog kapag nagpakasal ka na kay de Vierre at baka taon-taon lobo yang tiyan mo!" Sabi pa nito sabay kurot sa singit nya.

"Aray naman Marya! Ang dami ko na ngang marka dadagdagan mo pa! Saka ayaw mo yon di ka mawawalan ng trabaho kung taon-taon kang may aalagaan?" Sabi nyang pilit iniiwasan ang kurot ni Mary at dinadaan sa biro ang hiya.

"At talagang gustong magpa taon-taon!" Anitong umakmang kukurutin nanaman sya, saka...

"At pano na lang pala ang beauty ko kung sangkatirba na yang babantayan ko aber?! Baka lalo na kong hindi na pansin ng kapatid mo nyan!" Sabi nitong na meywang.

"They said it's attractive to a man daw kapag marunong mag alaga ng mga bata ang girl." Biro nya.

"Wish ko lang!" Naka ngusong sabi nito saka.

"Maka pag empake na nga, it's Friday tomorrow, malapit na ang weekend I want to make sure I'm beautiful!" Sabi nito saka sya iniwan, naka hinga sya ng maluwag at saka mabilis na nag bihis, pero she end up wearing a turtleneck top na para di masyadong obvious na may tinatakpan ay sleeveless naman, saka tinernohan nya ng high waisted shorts na maiksi rin.

Minutes later ay pumasok sa kwarto nya ang mga anak na parehong pupungas-pungas, mga bagong gising kasi, kasunod si Vladimir na mukhang bagong gising rin at magulo ang buhok. Plano nya pa naman sanang matulog ulit kasi sa totoo lang ina antok pa sya at wala syang energy, pero dahil nagkanya-kanya ng sampa sa kama at damba sa kanya ang tatlo na para bang antagal nilang di nag kita ay hinayaan nya na ang mga ito at kahit na nanakit ang katawan nya ay napilitan syang makipag hamag sa mga anak.

Kinagabihan sa oras ng pagtulog matapos tulungan si Mary na patulugin ang kambal ay si Vladimir naman ang pinatulog nya, pero bago yon ay kinausap nya muna ang panganay, telling him about Mitch and his children and also about their plan to get married. Though hindi nag sasalita si Imir, she's hoping na sana nauunawaan nito ang sinabi nya, pero mukha namang oo, kasi ng sabihin nyang kahit magpakasal sya, hindi parin mag babago yong pag mamahal nya dito, na kahit anong mangyari, he will always be her son and he will always have the same spot in her heart. Bago ito tuluyang matulog, niyakap sya nito ng mahigpit and he murmured "I love you mimi." Tulad ng gabi-gabi nitong ibinubulong mula ng mapalapit ito sa kanya, yon rin kasi ang lagi nyang sinasabi dito kahit noon pa tuwing patutulugin nya ito, kaya ng matuto ito ng wikang English ay iyon rin ang laging bukam-bibig bago matulog.

Nang lumipat sya sa kwarto nya ay saktong nag ring ang cellphone nya at si Mitch ang tumatawag kaya ...

"Hello." Pilit pina kaswal ang tinig na bungad nya.

A Love To Call My OwnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon