"Hoy, kumag! Gumising ka na!", ano ba yan! Tas hindi pa rin humihinto kaka-katok.
Aga-aga yung bunganga na naman ni Nana yung narinig ko. Bakit kasi hindi si Yaya ang gumigising sa akin. Tss.
"Gising na ako!", sigaw ko sa kanya habang bumabangon.
Onga pala. Unang araw ng pasukan! Makikita at makakasama ko na rin sa wakas sila Lance. Pero as usual, late na naman ako. Sa pagkakatanda ko, 7 am yung pasok ko sa English, yung first subject namin. Tss. Buti pa si Nana, sa Wednesday pa pasok nila. Kaya nagmadali na ako para naman medyo di ako ma-late masyado.
"Alis na ko, panget!", paalam ko kay Nana.
"Kiss ko?"
"Mukha mo!", tas lumabas na ako ng bahay.
Di na ako nagbreakfast. Pati, di rin ako nagkiss kay Nana. Tss. Di ako nagki-kiss dun noh. Batok, pwede pa. Yung school namin medyo malapit lang sa bahay. Isang sakay lang ng jeep tas pag hindi traffic, mga 15 minutes andun ka na.
Pagpasok pa lang sa gate, sinita na ako ni Manong Guard. -_- Mahaba kasi buhok ko. Yung buhok ko sa likod naabot na yung collar nung uniform ko. First day na first day, sinita agad. Bwiset. Pero buti naman at hindi masyadong strikto ngayon. Pinagsabihan lang ako na pagupitan ko na mamaya o bukas. O basta dapat pagbalik ko ulit dito maayos na. May mga ibang estudyante na hindi naka-uniform. Mga transferees siguro o kaya mga pasaway lang talaga.
"Ouch! Tumitingin ka ba sa dinadaanan mo?!"
Aba. Sino naman tong babaeng to na kung makasigaw eh akala mo kung maganda? Kahit maganda naman talaga. Hehe. Tsaka ang OA. Natapakan ko lang yung paa makasigaw parang ni-rape eh.
"Ay, sorry. Di kita nakita agad. Pasensya na.", tas tinignan lang niya ko ng masama.
Di ko na pinsansin. Tsaka di naman ako interesado sa kanya. Dumiretso na ako ng classroom ng English class namin tas nakita ko si Ralph, yung isang tropa rin namin na papasok ng room kaya tinawag ko siya para sabay na kami. Medyo nakakahiya kasi pag ako lang mag-isa pumasok lalo na late ako.
"Good morning, Miss. Sorry I'm late.", sabay namin sinabi pero syempre mahina yung pagkakasabi ko kesa kay Ralph.
Tumango lang siya sa amin. "Find your seats."
Tas nakita namin si Jethro nagwa-wave at tinuturo samin yung vacant seats. Lagi kaming seatmates. Maliban na lang kung Alphabetical yung arrangement. Lalo na pag terror yung teacher. Kaya tinungo na namin yung upuan tas umupo na kami agad at nakinig kunwari sa mga sinasabi niya. Wala naman kwenta eh, orientation lang naman pati, yung mga rules and regulations niya sa loob ng room. Tas naglibot-libot ako ng mata sa classroom. Yung ibang mukha, kilala ko pa rin kasi classmates rin sila namin nung nakaraang taon tas yung iba medyo pamilyar lang. Taga ibang section siguro. Tas tumingin rin ako sa tropa.
Si Lance, nakikinig kay Miss Diocson, na pinapantasya ng mga estudyante. Haha. Mala-Solenn daw kasi ang mukha pati katawan. Totoo naman eh. Medyo bata pa kasi tsaka 2 years pa lang yata siya nagtuturo kasi nung 1st year naging student teacher siya namin sa English eh. Mga type talaga ni Lance. Kunwari nakikinig pero malamang lumilipad na naman isip niyan. Si Jethro, may hinahanap sa bag niya. Si Ralph, nagte-text. Si Kelvin, nakakabit yung earphones. Mga walang kwentang estudyante talaga eh noh? Kaya nung napatingin ako kay Miss, nakatitig siya kay Kelvin kaya binatukan ko si ungas at agad naman niya tinanggal yung earphones niya tas nag-grin siya kay Miss.
Mga ilang minuto lang rin yung inupo namin dun kasi nga dahil di pa naman formal na nagka-klase eh dismissed na agad kami. Mga next week pa yata magfo-formal eh. Ewan. 9:15-9:30 yung breaktime namin kaya pumunta kami ng canteen. Na-miss ko rin kumain ng Pizza ni Mam Jucaban na minsan eh jini-jekwat (di binabayaran) namin. Hahaha. Tas umupo kami sa may mahabang mesa na naka-pwesto sa gitna ng canteen. Nakita ko na naman yung babaeng naapakan ko kanina. Mag-isa sa table tas may hinahawakan siyang papel. Ewan kung ano yun.
YOU ARE READING
What's The Name Of The Game? (On hold)
Teen FictionKung kelan ka tumigil sa paglalaro, mukhang ikaw naman ang pinaglaruan ng tadhana.