Chapter 22

323 6 0
                                    

"Ferry! Lumabas ka nga dyan sa lungga mo!"

Argh! Ayan na naman yung nakakairitang boses ni Nana. Ano ba problema niya? Lagi niya na lang ako kinakatok sa kwarto pag walang pasok. Imbes na makapag pahinga ako, dinadagdagan pa niya ang stress ko.

"Bakit ba?!", sigaw ko sa kanya habang nakahiga pa rin sa kama.

"Sumunod ka lang sa baba!"

Psh.

Bumangon na ako at binuksan ang pinto. Habang pababa pa lang ako, may narinig akong pamilyar na boses. Tas yung tawa.

Si Leiz!

Bumalik ako sa kwarto para kumuha ng damit at agad sinuot.

Ba't kaya siya naparito? Di man lang siya nagtext na pupunta siya. Nakakahiya di pa ako nakaligo.

"Leiz!", bati ko sa kanya pagkababa ko.

"Ayaw pa bumaba ah. Haha!", asar ni Nana.

"Ba't ka naparito? May problema ba?", tanong ko.

"Wala naman. Tinext ako ni Kelvin eh. Punta daw siya dito kaya niyaya niya ako.", tas napatingin siya sa pinto.

"Ayan na pala siya eh.", dagdag niya.

"Sana nagtext kayo para nakapagpaluto ako ng merienda sa maid namin.", sabay turo kay Nana.

Tas kinagat ni Nana yung daliri ko. Tss. Nagtawanan sila.

Maya-maya pa eh nagtext si Ralph. Pupunta rin daw siya dito sa bahay.

"Uy, nagtext si Ralph. Punta rin daw siya dito.", sabi ko sa kanila.

Tas tumango lang sila. Mga ilang minuto pa, dumating na si Ralph.

Nagkatinginan pa muna sila ni Leiz. Ano ba meron sa kanilang dalawa? Tss.

"Ralph, parang iba aura mo ah!", sabi ni Kelvin.

"Oo nga noh. Mukhang masaya eh. Ano meron?", dagdag ni Leiz.

Oo nga. Mukhang masaya si Ralph. Dati kulu-kulubot palagi ang noo niya pero ngayon, makikita mo talaga sa mga mata niya na masaya siya. Yung hindi pilit.

"Tara sa taas. Dun tayo sa Terrace tumambay.", yaya ko sa kanila tas nagpaiwan si Nana.

Sumunod naman silang tatlo sakin. Nagpabili na rin kami kay Yaya ng merienda para may makain kami habang nag-uusap.

"Teka, ba't bigla yata kayo sinipag pumunta dito?", tanong ko.

"Bawal ba? Geh, uwi na lang kami.", biro ni Kelvin.

"Gags. Nagtatanong lang naman! Nakakapanibago lang na hindi ako yung unang nagyaya eh.", tas nagtawanan kami.

"Ikaw Ferry, ah. Andami mo palang alam di mo man kami sinabihan.", biglang nasabi ni Leiz.

Alam ko na yung ibig niyang sabihin.

"Ah. Eh. Hehe. Naisip ko lang kasi na mas makakabuti na wag niyo muna malaman. Ayoko lang magkagulo.", tas napakamot ako ng batok.

"Kung di pa sinabi ni Ralph.", tas napatingin ako kay Ralph. Nagsmirk lang siya.

"Eh.. Sorry na. Ngayon, alam niyo na. Satin na lang muna to.", sabi ko.

Tumango lang sila.

"Nako, Ferry. Di pa nga kayo ni Leiz nagsisinungaling ka na sa kanya. I-basted na yan!", biro ni Kelvin.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now