Chapter 26

353 5 0
                                    

"Good morning, baby! Mag ready ka na for the mass, okay? I love you!"

Nagising ako ng isang text mula kay Leiz.

Oo nga pala. Sisimba kami. Buti nagising agad ako. Medyo maaga pa kaya may oras pa ako para mag prepare.

Nireplyan ko muna siya saka bumaba at naligo.

Pagkatapos eh dumiretso na ako kina Leiz para sunduin siya. Mga 20 minutes pa bago magstart ang mass, nakatayo na ako sa tapat ng gate nila tas pinindot ang doorbell.

Si Kuya Chris ang nagbukas. Tas pagkakita niya sa akin eh tinapik niya agad ako sa balikat tsaka pinapasok ako.

"Magandang umaga, Kuya. Ready na ba si Leiz?", bati ko sa kanya habang papasok kami sa bahay.

"Oo, nasa loob. Mauna ka na pumasok, ire-ready ko lang ang kotse.", sagot niya.

Ire-ready ang kotse? So ibig sabihin, sasama si Kuya Chris samin magsimba? Okay, first time yun na makakasama siya namin kung ganun.

Pagkadating ko sa loob ng bahay, may narinig akong nagkwe-kwentuhan sa may dining area banda. Tas narinig ko rin yung boses ni Leiz kaya pinuntahan ko na.

"Baby!", bigla niya ko tinawag pagkakita niya sakin.

Tas lumapit siya sakin tsaka humawak sa braso ko. Hinila niya ko papunta sa may table.

"Mom, Dad, si Ferry. Siya yung boyfriend ko.", tas tiningnan ako ni Leiz saka ngumiti sakin.

Nanginig ako bigla. Parang di ko inexpect na mangyayari to. Jusko. Di ko alam kung ano mararamdaman ko. Kung magagalak ba ako o makakabahan. Pero wala naman akong dapat kabahan kasi wala namin kami ginagawang masama ni Leiz.

"Good morning po sa inyo.", tas ngumiti ako sa kanila. Ganun din sila sa akin.

"Maupo ka, hijo. Nakapag breakfast ka na ba?", alok ng Mommy niya sakin.

Buong oras na kaharap ko ang parents ni Leiz, parang naka-glue ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako sanay. Nahihiya ako. Kinakabahan. Parang ganito yung feeling nung una kong makausap yung Kuya niya...x 100 nga lang ngayon.

First time akong pinakilala ng babae sa parents niya kaya siguro ganito na lang ka weird ang nararamdaman ko. Pero kelangan ko sila harapin ng maayos. Ayokong ma bad shot sa kanila.

"Ano, tara na. Baka ma late tayo sa mass.", yaya ng Dad niya.

Nauna silang tumayo sa amin ni Leiz tas medyo nagpahuli kami at sumusunod sa likod nila habang papalabas ng bahay.

"Sorry, hindi ko sinabi sayo na andito parents ko.", tas nag grin siya sakin.

"Okay lang yun noh." tas hinawakan ko ang kamay niya.

"Pero at least kilala mo na sila. Nako, humanda ka mamaya babahain ka ng tanong ng mga yan.", sabi ni Leiz sakin.

Tumawa lang kami pareho tsaka pumasok na sa kotse. Hindi sumama si Kuya Chris kasi magdu-duty pa siya. Yung Dad niya ang nag drive tas si Mommy niya sa front seat kaya dalawa lang kami sa likod.

Naiilang ako habang nasa biyahe kami. Nahahalata rin siguro ni Leiz kaya kada tingin ko sa kanya, hinihigpitan niya yung paghawak sa kamay ko tsaka ngumingiti siya sakin.

Pagdating namin sa simbahan, nagsisimula na ang misa. Medyo kakasimula pa lang kaya naghanap na agad kami ng mauupuan. Buti may bakante pa na pwede sa aming apat.

Hindi ako makapag concentrate sa mass. Ewan ko ba. Feeling ko nakatingin sa akin ang Dad ni Leiz kahit hindi naman talaga. Napa-paranoid ako bigla.

What's The Name Of The Game? (On hold)Where stories live. Discover now